BONUS CHAPTER II

1.7K 36 6
                                    


"Henri, kakayanin ko ba 'to? Feeling ko mamamatay ako," maluha-luha kong sabi sa asawa kong mahigpit ang hawak sa mga kamay ko. Nakahiga ako ngayon sa isang stretcher at itinatakbo nila ako sa mga hallway ng San Roque Hospital papunta sa labor room.

Sa susunod na linggo pa ang estimated date ng panganganak ko pero laking gulat namin pareho ni Marco nang biglang pumutok na pala ang bahay bata ko. Sinalubong ko lang naman siya sa pinto nang umuwi siya kanina pero parang bubble lang na pumutok ang kung ano mang pumutok at naramdaman ko ang sobra-sobrang sakit. Hindi ko na nga alam kung anong parte ng katawan ko ang masakit, maging ang ulo ko ay nagpipintig na rin. Kagagaling lamang ni Marco kanina dito ospital dahil duty niya kagabi hanggang kaninang alas otso ng umaga pero heto't narito na naman siya ngayon hindi bilang doktor kundi bilang asawa at tatay.

"You've prepared for this. We've prepared for this. Kayang-kaya mo ito, Senna! Nandito lang ako sa tabi mo, alright?" He assured me. Pero kahit na anong sabihin niya ay hindi napapawi ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay pupunta na ako sa langit anytime.

Dumadaing ako sa sobrang sakit ng tiyan ko. Parang binibiyak iyon. Nanghihina na rin ang lower extremities ko. They said pregnancy is really painful I just didn't know that it is really this painful!

Nang nasa labor room na ako ay panay ang check ng mga nurses sa akin, maging ang aking OB na si Dra. Fajarillo ay naroon agad kahit hindi niya duty. Binihisan nila ako ng hospital gown. Hospital gown lang ang suot ko, wala akong undergarments but this isn't the time to be conscious, manganganak na ako!

Si Marco ay nasa tabi ko lang all throughout my active labor. Mas tumindi ang contractions na nararamdaman ko. It felt like the pain skyrocketed to the highest level. May pakonti-konti na ring luhang tumatakas sa mga mata ko at panay naman ang punas ni Marco niyon.

"Senna, baby, you can do this. I love you," masuyo niyang sabi sa akin.

I can see that he is all worried and he understands very well what I am going through, he is a doctor after all.

Hindi ko na namalayan ang oras. I didn't know kung gaano na akong katatagal sa labor room pero it felt like forever. Ang tagal! But I know that all the pain will be worth it kapag lumabas na ang baby namin ni Marco.

Nang hindi ko na mapigilan ang mga sigaw ko sa sobrang sakit ay hindi na ako iniwan ng mga nurse. Lalong humigpit ang kapit ko sa kamay ni Marco. Hinahaplos-haplos niya pa rin ang buhok ko at nanatili siyang kalmado. Si Dra. Fajarillo ay panay rin ang pagtingin sa kalagayan ko.

"H-hindi ko na kaya," umiiling na sabi ko. Sobrang sakit. Sobra. Lumandas ang luha sa aking mga mata at isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko kasabay ng pinakamatinding contraction na naramdaman ko. Mabibilis ang paghinga ko at hindi ko na alam kung saan ibabaling ang ulo ko. What's keeping my mind to stay with me is Marco's tight grip on my hand at ang kung ano-anong binubulong niya sa akin na hindi ko na halos maintindihan, "I love you" lang ang naiintindihan ko sa mga sinasabi niya.

I love you too, Henri.

"It's time," anunsyo ni Dra. Fajarillo at mabilis akong inilipat sa delivery room.

Nakaposisyon na ang aking mga paa. Naroon na si Dra. Fajarillo, nakaabang sa aking paanan. Ang mga nurse ay nasa paligid-ligid. Si Marco ay nanatili pa rin sa aking tabi. I said a quick prayer on my mind. Lord, Kayo na po ang bahala sa akin at sa baby namin ni Marco.

"Push, Senna!" sabi ni Dra. Fajarillo.

I pushed as hard as I could. Sobrang sakit. Kasabay ng pag-ire ko ang pagtulo ng mga luha ko. Halos masabunutan ko si Marco sa tabi ko sa sobrang sakit. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon