Chapter 26

6.1K 107 24
                                    

Maikli lang ito. Natutuwa ako sa comments last chapter! Naglabasan lahat eh. Hahaha. Hindi ako masaya sa nangyari kina Senna ah. Masaya ako sa comments niyo. :) Love you! Special mention lang si Nicole na grabe ang posts sa MB ko at sa comment box. Heto na ang update.

-----

CHAPTER 26 – Iniwan



Bumalik kami ni Leo sa loob, pero dinala niya ako sa balkonahe ng bahay sa second floor. Pinagtitinginan ako ng mga tao, lalo na nung mga nakakita ng buong pangyayari. Si Katherine ay nandoon pa rin sa lugar kung saan ko siya iniwan kanina. Nakatulala lang siya doon. Gusto ko sana siyang kausapin pero hinang-hina ako ngayon. Bibigay na ata ako.

Nandoon sa second floor sina Suzette, Martin at si Kaitlyn na mukhang walang alam sa nangyari. Masaya pa silang nagkwekwentuhan ng tungkol ata dito sa bahay. Nang makita ko ni Kaitlyn na umiiyak ay agad niya akong nilapitan.

“Hey... Why are you crying? What happened?” tanong niya. “What happened?” tanong niya kay Leo.

Lumapit rin sa akin sina Suzette at Martin.

“Senna? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?” tanong ni Suzette habang nakahawak siya sa magkabilang balikat ko. Bweset na babae ito, itrinanslate lang naman niya ang sinabi ni Kaitlyn.

Gustuhin ko mang magsalita, walang lumalabas na boses sa bibig ko, puro iyak lang.

“Nasaan si Kuya?” tanong ulit ni Suzette.

Umiling nalang ako dahil hindi talaga ako makapagsalita. Niyakap nalang niya ako. Bigla namang nagsalita si Leo.

“Umalis bigla si Marco...” sabi ni Leo. “...nagkita sila ni Katherine.”

Agad naman akong napantingin kay Leo. Bakit nga ba kasi nandito si Katherine? Magkakilala sila? Ang dami kong gustong itanong ngayon pero wala, iyak lang ang kaya kong gawin. Ganito naman lagi, weak kasi ako. Feeling strong lang.

“Siguro, kailangan na naming umuwi, Leo.” Sabi ni Suzette habang hinahaplos-haplos pa rin ang likod ko.

“Tingin ko rin.” Sabi naman niya.

“Kaitlyn, we have to go. Thank you for inviting us.” Sabi ni Martin kay Kaitlyn.

Tumango naman si Kaitlyn. “Thank you for coming.” Ngumiti si Kaitlyn. “Please don’t cry. I hope you feel better.” Sabi naman niya sa akin. Ngumiti nalang ako ng pilit. Thank you, Kaitlyn.

Tuluyan na kaming umalis ng party. Dali-dali akong sumakay sa kotse ni Martin. Agad rin naman niya itong pinaandar. Pareho kami ni Suzette na nakaupo sa backseat dahil yakap-yakap niya ako.

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon