Chapter 5

9K 136 20
                                    

CHAPTER 5 - Ang Injection ni Marco



Sinamahan ako nung doktor sa laboratory ng ospital kung saan ako kukuhanan ng dugo. Itetest daw muna nila kung talagang type AB ako. Hindi raw kasi basta-basta ang donation ng dugo. Umupo muna ako sa waiting area sa labas ng laboratory at pumasok yung doktor sa loob.

"Ah... Miss, pumasok ka na." sabi niya. "Hihintayin nalang kita dito, pagkatapos."

Pumasok nalang ako. Bakit kailangan pa niya akong hintayin? Wala na ba siyang ibang pasyente? Hinayaan ko nalang. May isang babae sa loob ng lab. Pinaupo niya ako sa isang high-chair saka niya hinila ang kamay ko. Nagulat ako nang may naramdaman akong masakit sa daliri ko. Parang nakagat ng lamok, pero mas masakit pa.

Tiningnan ko ang isang maliit na glass at nakita kong may patak ng dugo ako doon. Agad na nilagyan nung babae ng bulak na may alcohol ang daliri ko.

"T-tapos na ba?" tanong ko.

"Oo, pwede ka nang lumabas. Hintayin niyo na ni Doc Marco yung resulta, saka kayo mag-proceed sa blood donation mo." Sabi nang babae nang hindi man lang tumitingin sa akin.

Agad naman akong lumabas ng lab habang idinidiin pa rin yung bulak sa daliri ko. Ang bilis naman nun. Hindi ko inexpect na hindi man lang nagtagal ng isang minuto yun. Nakita kong nakaupo sa waiting area na kaninang inupuan ko yung doktor. Napatitig ako sa kanya.

Gwapo nga siya. Kahit magulo yung buhok niya, okay pa rin. Parang si Leo lang. Matangos ang ilong, maganda ang mata. Parang si Leo lang. Mas matangkad nga lang ito kaysa kay Leo.

Teka nga lang, bakit ko ba siya ikinukumpara kay Leo? Di hamak naman na mas okay si Leo! Walang panama itong doktor na ito sa kabaitan at pagiging gentleman ni Leo noh! Doktor lang siya...

"S-sabi nung babae. Hintayin nalang natin yung resulta." Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Hindi naman tabing-tabi, may distance naman sa pagitan namin. Hindi nga kami magkakilala eh bakit ako didikit sa kanya.

Hindi siya sumagot at seryosong nakaupo pa rin doon. Nakaka-awkward naman yung katahimikan. Una sa lahat, nahihiya ako sa kanya. Nahihiya ako sa lahat ng katarantaduhan ko sa kanya. Doktor pa man din siya. Pero, hindi ko naman kasalanan iyon diba? Ni hindi ko naman alam na doktor pala siya.

Tumingin ako sa kanya, saktong nakatingin naman siya sa akin. Sabay tuloy kaming nag-iwas ng tingin.

"A-ah... Kung inaalala mo ako. Okay na ako. Pwede ka nang umalis. Baka may iba ka pang pasyente." sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Ni hindi ko yata siya kayang tingnan sa mata. Naalala ko kasi lahat ng ka-walanghiyaan ko sa kanya. Lahat ng paninigaw ko at kawalan ng galang ko.

"Okay lang. Hindi naman kasi ako naka-duty ngayon. Pumunta lang ako dito kasi ako daw ang hinahanap ng kapatid mo."

Kumunot ang noo ko. Siya ang hinahanap ni Sean? Bakit siya ang hinahanap ni Sean? Hindi ba dapat si Mommy muna, o hindi kaya ako? What the...

"Ha? Bakit naman?"

"Ewan ko. Paboritong doktor daw kasi niya ako, kaya ayaw niya sa iba. Gusto niya, ako lang gumagamot sa kanya..." sagot niya.

"Psh. Ang epal talaga nung Sean na yun. Ang kulit!!" sabi ko. Dagdag kahihiyan na naman. Hindi pala naka-duty itong doktor na ito. Naabala pa tuloy.

"Nakakatuwa nga siya eh. Buti pa siya..." naka-ngiting sabi niya. "Hindi katulad mo."

"Ano? May sinasabi ka?!" tumaas na naman ang boses ko kaya agad akong napatakip sa bibig ko. "Sorry." mahinhin kong sabi sabay peace sign.

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon