Chapter 20

6.6K 113 20
                                    

Happy birthday, Phamela! :*

-----

CHAPTER 20 - Teddy Bear

Wala akong ginawa buong Sabado at Linggo kundi ang mag-review. Wala sa akin ang susi ng kotse ko, at hindi ko na maalala kung nasaan na ang spare key ko kaya wala rin. Talagang kulong ako sa condo. Kahit na sinabihan rin naman ako ni Marco na tawagan lang siya kung may kailangan o gusto akong puntahan at susunduin daw niya ako, hindi ko pa rin magawa. Nahihiya kasi ako sa kanya. Wow! May hiya pa pala ako ano? Akalain niyo yun? Maging ako ay na-shock.

Nakakatawa nga itong si Marco dahil parang every 1 hour interval ay tumatawag. Alam ko naman na mayaman siya sa load, hindi na kailangang ipamukha pa sa akin yun.


"Ano na naman?" Napahilot ako sa sentido ko sa pang-anim niyang tawag ngayong araw. Ang alam ko, wala siyang duty kapag linggo kaya heto't ako ang pinepeste niya. Hay naku naman...


"Wala lang. Anim na oras ka nang nagrereview dyan ha. Minus 1 hour pala nung nag-lunch ka. Hindi ka ba napapagod o nagsasawa? Mapeperfect mo na exam mo niyan!"


May point siya. Pauli-ulit ko na ngang nirereview itong subject kong itetake ko ang exam sa bukas. Pati nga yung pang-Tuesday hanggang Thursday ay parang na-master ko na. Ngayon lang ako ganito ka-confident sa exam. Feeling ko, mapeperfect ko na nga talaga ang exam. Isinara ko ang notebook ko at humiga.


"Hindi eh." Nakapikit kong sagot sa kanya.


Hindi siya umimik pero hindi pa rin niya pinapatay ang telepono. Narinig ko nalang na kumakanta siya. Siguro akala niya ay nagrereview pa rin ako kaya hindi na siya umimik, pa-kanta-kanta nalang siya doon. Hindi ko naman makuha ang lyrics, pero parang pamilyar yung tono ng kinakanta niya.

"Anong kinakanta mo?"

"Nakikinig ka?"

"Malamang."

"Akala ko ba nagrereview ka?"

"Eh hindi mo pa pinapatay eh. Hindi ako maka-concentrate. Pangit ng boses mo."

"Ouch naman! Bakit nung kinantahan kita noon sabi mo-"

"Biro lang... Ano ngang kanta yan?"

"Dibale Nalang."

"Ha?"

"Dibale nalang." At kinanta niya muli iyon. "Ako pa ba kaya ang nasa puso niya... Dibale nalang kaya... ♬"

"Ngunit mahal ko siya... ♬" pagpapatuloy ko.

"Dibale nalang... Dibale nalang... Dibale nalang kaya... ♬" sabay namin kanya. Duet kuno.

Dahil tuloy sa kanta niya ay naalala ko ang sinabi ko noon na ayoko na. Yung sinabi ko na dibale nalang na maging forever alone ako basta hindi na ako magmamahal ulit dahil ayoko na.

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon