Chapter 6

9.1K 133 19
                                    

CHAPTER 6 – Green Leafy Vegetables

After ng blood transfusion ni Sean, bumuti na ang kondisyon niya. Oobserbahan nalang daw siya ng ilan pang araw bago siya tuluyang ididischarge. Sana tuloy-tuloy na ang recovery niya. Kung kakailanganin na naman niya ng blood transfusion, baka ako naman ang maubusan ng dugo.

"Senna!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Nandito ako sa mall ngayon para sana humanap ng makakainan, medyo nahihilo na rin kasi ako siguro dahil hindi ako nag-lunch kanina. Pero mukhang nandito na naman ang buntot ako...

"Uy, Martin!"

"Nandito ka rin pala." sabi niya nang makalapit siya sa akin.

"Naghahanap ako ng makakainan na hindi matao." I swear, nanlalabo na ang paningin ko.

"Ganun ba, tara, samahan na kita. Gutom na rin kasi ako."

Hindi na ako sumagot at naglakad nalang. Malas kasi ang dami talagang tao. Ano bang meron at punong-puno ng tao ang Mall ngayon? Lalo tuloy akong nahihilo. Sandali akong huminto sa paglalakad at pumikit, umiikot na ang paligid at baka hindi ko na kayanin pa.

"Okay ka lang?" tanong ni Martin sa akin.

Iminulat ko ang mga mata ko pero bago pa ako makasagot, umikot na naman ang paligid at tuluyan nang dumilim.

"Senna~ Senna!" hysterical na sigaw ni Martin.

Pero wala, madilim na talaga. Wala na rin akong maramdaman. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong tulog pero nang magising ako, nasa kwarto na ako. Pero lintik! Hindi ito ang condo ko. Ano ba naman itong nangyayari sa akin these past few days, bigla-bigla nalang akong magigising sa kwarto ng iba.

"Gising ka na pala."

Napabalikwas ako ng may pumasok sa kwarto at nagsalita. Agad akong tumayo at agad naman niya akong inalalayan. Itinalsik ko ang kamay niyang humawak sa braso ko.

"Wag mo kong hawakan! Manyak!" sigaw ko sa kanya.

"Whoa. Chill. Hindi kita type kaya hindi kita mamanyakin. Tinulungan na nga kita eh, sinisigawan mo pa ako." sabi niya.

"Di ko naman kasi sinabing tulungan mo ako, diba? Bakit ba nandito na naman ako? KINIDNAP MO BA AKO? AH! Hindi ka nga siguro manyak, kidnapper ka naman. Isang kidnapper na doktor!" sigaw ko na naman sa kanya. "Irereport kita sa pulis!"

Hindi siya umimik at tinakpan lang ang magkabilang tenga niya sabay tingin sa taas.

"Hoy! Bakit mo tinatakpan yang tenga mo?"

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon