Chapter 13

7.2K 120 8
                                    

CHAPTER 13 - Relax

Hirap na hirap ako sa pagligo, inabot na nga ata ako ng halos isang oras, eh 30 minutes nga lang ako maligo eh. Isinoot ko ang damit ng pinili ni Marco. Shorts na above the knee, hindi naman yung OA sa ikli na shorts, tapos statement shirt.

Paika-ika akong naglakad papunta sa kama at saka ako umupo doon. Nagsuklay ako at inayos ang sarili ko. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Marco. Naka-shorts din siya at puting v-neck na tshirt. Hindi ko naman siya pinansin, patuloy pa rin ako sa pagpapatuyo ng buhok ko.

Nagulat naman ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko tiningnan ang paa kong namamaga. Agad ko namang inilayo yun sa kanya.

"Ano ba? Tinitingnan ko lang."

"Okay na ako." sabi ko naman.

"Doktor ako. Makinig ka nga sa akin!"

"Yeah, right. Hindi naman buto ang specialization mo ah!"

Nag-tsk siya saka siya tumayo. Ha-ha-ha! I won. Porket doktor kasi, nagmamagaling na lagi. Nakakinis!

"Dalian mo na diyan. Pupunta tayo sa beach, doon tayo maglulunch."

"Eh kailan tayo uuwi?"

"Mamayang gabi."

Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya. Sumunod na rin ako, pero syempre, paika-ika pa rin ako sa paglalakad. Nahirapan ako sa hagdan, bakit kasi sa taas pa ang kwarto. Pagdating ko sa labas, inaayos na ni Ate Auring yung mga dadalhing gamit. Inilalagay na niya iyon sa likuran ng isang Toyota Innova na kulay ginto. Syempre, tinulungan ko na siya kahit na masakit pa rin ang paa ko.

Nang mailagay na namin ang lahat sa likod, lumabas na rin ng bahay sina Angela at Marco. Tulak-tulak ni Marco ang isang malaking stroller. Nakasakay doon ang tulog pa ring si Angel at may oxygen tank na maliit sa tabi nito.

"Ano, tara na?" sabi ni Angela.

Ngumiti lang ako. Una nilang isinakay si Angel. Convertible pala yung stroller niya. Astig nga eh. Umupo si Angela sa tabi ni Angel at sumunod naman si Ate Auring.

"Teka, ako? Saan ako?" tanong ko. Akala ko kasi, sa backseat ako uupo. Pero ayun, tatlo na sila sa backseat. Syempre ineexpect ko na sa harap uupo si Angela dahil sa kanya itong sasakyan.

"Dito." sabi ni Marco sabay bukas ng front seat. "Sakay na."

Wala na rin akong nagawa kundi ang sumakay. Nahirapan pa akong sumakay dahil sa paa ko pero inalalayan ako ni Marco. Nung nakasakay na ako, umikot siya at sumakay na rin siya sa driver's seat.

"Ready na ba kayo?" tanong niya.

"READYYY!" sagot naman ni Ate Auring at nagtawanan kami.

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon