Chapter 33

6.4K 97 29
                                    

This chapter is all about Marco's story before he met Senna. In short, ito ang nangyari sa "love story" nila ni Katherine. Err...

-----

CHAPTER 33 – His Side Part I

 

 

Fourth year high school ako noon. Normal na araw, at nasa school kami pareho ng kapatid kong si Suzette na Grade 6 noon. Nabigla nalang ako dahil dumating ang katulong namin at ang driver para sunduin kami ng kapatid ko.

Hindi ko alam kung anong totoong nangyari dahil hindi naman nila sinabi pero iyak nang iyak na ang kapatid ko habang nasa kotse kami pauwi. Mababaw talaga ang luha nitong si Suzette. Sinabi lang na may masamang nangyari kay Daddy, umiiyak na agad siya. Although, may masamang kutob na rin ako, hindi ako masyadong nagpahalata.

Pag-uwi namin sa bahay ay nadatnan namin si Mommy na halos mag-collapse na sa sahig sa kakaiyak. Doon palang, alam ko na...

Wala na si Daddy.

 

Matagal na rin naman kasi siyang may sakit, sakit sa puso.

Noong graduation ko ng high school at graduation ng elementary ni Suzette, tanging si Mommy lang ang kasama namin. Pero kahit na wala na si Dad, nagpapasalamat pa rin ako dahil nandyan pa rin si Mommy. Lately, nahalata namin na depressed siya, ginagawa naman namin ni Suzette ang best namin para mapasaya siya pero wala pa rin.

Bakasyon noon, kalagitnaan ng April... Wala na rin si Mommy.

Bumigay ang katawan niya sa sobrang depression at emotional stress.

Dahil doon ay lubusang naapektuhan si Suzette. Gabi-gabing umiiyak ang kawawa kong kapatid. Ako rin, dapat umiiyak pero hindi. Hindi pwedeng umiyak kami pareho ng kapatid ko. Isa sa amin dapat matatag at bilang ako ang mas matanda, dapat ako yun.

Kaya naman nagpaka-tatag ako hanggang sa magpasukan na ulit at college na ako. Si Suzette naman ay high school na. Pumasok ako sa isang sikat na medicine school at kumuha ng Medical Technology bilang pre-med course ko. Sa buong kolehiyo ay wala akong ibang inatupag kundi ang pag-aaral ko. Ginawa kong inspirasyon ang mga magulang ko na alam kong magkasama at masayang pinapanood kami ng kapatid ko mula sa langit.

Wala namang naging problema kasi maraming pera, oo marami, ang nakalagay sa bank account ni Mommy, ni Daddy, bank account ko at ni Suzette. Kahit na hindi ako mag-aral ay mabubuhay na kami ng kapatid ko. Pero hindi, kailangan naming mag-aral.

Ang pagkawala siguro ng mga magulang namin ang dahilan kung bakit maaga akong nag-mature. Syempre, ako na ang tumayong Kuya, Nanay at Tatay sa kapatid kong laging natatawag sa Principal's Office dahil sa kasamaan ng ugali niya. My sweet little sister became cold, stubborn and arrogant.

Tatlong taon lang ay natapos ko ang ang pre-med course ko na dapat ay apat na taon. Kinuha ko kasi sa summer class ang mga pwedeng i-summer class para mapabilis ako. Hindi naman ako nabigo dahil at the age of 19, graduate na ako at makakapag-focus na ako sa Medicine Proper.

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon