Chapter 36

6.1K 131 33
                                    

CHAPTER 36 – Always You

Tatlong buwan na ang lumipas. Tatlong buwan mula noong huli kaming magkita at magkausap ni Marco. After noon, pinanindigan na namin yung agreement naming time and space.

Ang hindi namin napag-usapan ay hanggang kailan. Oo, hanggang sa maging okay na ulit kaming dalawa pero literally... Gaano katagal? Minsan nagwo-worry ako. Paano kung sa time and space na binigay namin sa isa't-isa ay makahanap siya ng iba. Edi kawawa na naman ako? Wag naman sana.

Umupo ako sa aking upuan dito sa opisina. Yes, I'm currently on my on job training at ang napili kong kumpanya ay ang Interlab Pharmaceuticals. Tutal, dito na rin naman nagtratrabaho si Mommy, okay lang siguro kung dito rin ako mag-OJT para hindi na ako mahirapan.

December na ngayon at kahit na ito ang buwan ng most wonderful time of the year, babad pa rin kami sa trabaho. Syempre, bilang OJT lang naman ako, nasa mababa ang posisyon ko. Saan ka nakakita ng OJT pero CEO ang peg? Ni hindi ko nga nakikita si Mommy dito sa opisina namin. Sa ibang floor kasi ang opisina ng mga nasa matataas ng posisyon.


"Kailangan daw nito ni Manager mamaya dahil may urgent meeting ang board." rinig kong sabi ni Lea kay Rico, mga co-on job trainees ko dito sa Interlab.

"May pinapagawa pa sa akin eh." sabi ni Rico. "Paano yan..."

"Akin na, ako nalang diyan." Presenta ko. Napatingin naman silang dalawa sa akin. May ginagawa pa akong presentation pero sige, kaya ko yan. Busy rin ang dalawang ito dahil buntunan sila ng utos ng Operations Manager.


Nagdadalawang-isip na lumapit sa akin si Lea. Nginitian ko siya nang tuluyan siyang makalapit sa akin at saka niya sinabi kung ano ang dapat na gawin. As usual, presentations na naman.

Agad kong ginawa yun at buti nalang, naiabot ko pa bago magsimula ang meeting ng board. Sumasakit na rin ang ulo ko pero hindi ko pinansin yun. Gumawa nalang ako ng kape at bumalik sa trabaho.


"Masyado ka nang babad sa trabaho, Senna. Last week pa yan ha." sabi ni Rico.

"Okay lang. Kaya ko naman... Tsaka, as much as possible, gusto ko may ginagawa ako." sabi ko. Kapag wala kasi akong ginagawa, si Marco ang naiisip ko.

Sa totoo lang, nami-miss ko na siya.

"Aysus. Nami-miss mo lang yung boyfriend mo." sabi naman niya. Oo nga... Ay hindi!

"Oy di ah! Wala akong boyfriend." depensa ko. Wala naman kasi talaga.

"Wala daw? Eh sino yung lalaking kasama mo sa picture? Wallpaper mo pa sa phone mo." singit ni Lea. Naku, ang dalawang ito. Mga tsismoso!

"Ewan ko sa inyo. magtrabaho na nga kayo." sabi ko at saka nag-focus sa ginagawa ko. Kailangan ko kasing ihabol ang report na ito para bukas.

"Hindi ka pa ba uuwi, Senna?" Tanong ni Lea. Tumingala ako sa kanya at kita kong ready to go  na siya. Nagsisialisan na rin ang ibang empleyado.

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon