BONUS CHAPTER

7.6K 180 50
                                    

Halos isang taon na ang nakalipas mula nang ikasal kami ni Senna. Akalain niyo yun, yung babaeng lasengga na muntik kong masagasaan sa tapat ng condo niya ay asawa ko na ngayon. Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko na siya. Asawa as in A-S-A-W-A. Siya ang babaeng makakasama ko sa hamambuhay, diba ang sarap?

Tuluyang napamulat ang mga mata ko nang maramdaman ko siyang gumalaw. Umaga na rin kasi at sa totoo lang, kanina pa ako gising. Hindi lang ako makabangon dahil sa bigat ng mga braso at legs niyang nakapatong sa akin. Ang payat-payat pero ubod ng bigat.

Ganyan yan, simula nang ikasal kami, ginawa niya na akong unan.

"Good morning." Naka-ngiting bati niya habang nagkukusot ng mga mata saka niya mabilis na ibinalik ang mga braso niya sa pagkakayakap sa akin. Pumikit ulit siya.

"Good morning rin. Pero hindi ka pa ba babangon?" tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka, madalas rin kasi siyang nauunang bumangon sa aming dalawa at siya pa talaga ang mangungulit na gigising sa akin pero ngayon, tamad na tamad ang aura niya.

"Naka-leave ako." antok na antok na sabi niya. Ano bang problema niya? Wala namang nangyari kagabi ah. Hehehe.

"Ha? Bakit?"

"Kasi inaantok pa ako. Wag ka ngang matanong, Marco Henri. Kung gusto mong bumangon na, go!" sabi niya sabay talikod sa akin.

Ayan na naman po ang kamalditahan ni Senna Cereza. Napalunok nalang ako at nagtatakang pumasok sa banyo. Naligo na ako saka ako lumabas, pero nakahiga pa rin ang magaling kong asawa sa kama namin. Naiiling nalang akong bumaba sa kusina para magluto ng almusal namin.

"Hello, Lea?" I-dinial ko ang numero ng katrabaho ni Senna sa Interlab habang nagpapainit ng mantikang pagpriprituhan ko ng sunny side up eggs at bacon.

"Oh, Dok Marco? Bakit ka napatawag?" tanong nito sa kabilang linya.

"Totoo bang naka-leave si Senna?" tanong ko naman.

Narinig ko ang marahang pagtawa ni Lea na parang may iba siyang kausap doon. Ilang sandali pa ay sinagot na niya ang tanong ko.

"Uhh... Oo ata eh."

"Bakit? May nasabi ba siya sayo?"

"Wala eh. Tanungin mo nalang siya. Sige Dok, may mga gagawin pa ako."

"Ah sige. Salamat at pasensya na sa abala, Lea."

Ibinaba ko na ang cellphone ko saka ako nag-focus sa pagluluto ng agahan namin. Pero hindi ko pa rin matanggal sa isip ko kung bakit naka-leave itong si Senna sa trabaho. Wala naman siyang sinasabi o nababanggit noong mga nakaraang araw na may plano siyang mag-leave eh. May problema kaya?

"Ang bango naman niyan." nagulat ako nang makita ko siyang nakaupo na sa high chair. Hindi ko na rin namalayan na bumaba na rin pala siya sa sobrang lalim ng pag-iisip ko kung bakit siya nag-leave.

"Sandali nalang ito." sabi ko saka ko tinapos ang pagluluto ng pritong itlog at fried rice plus bacon.

Tahimik lang kaming kumakain doon habang ako ay pasulyap-sulyap sa kanya. Ang dami na kasi niyang nakain, parang pangalawang batch ng kanin niya na yan. Hindi naman siya ganito katakaw tuwing umaga. Halos hindi nga yan mag-agahan, pero ngayon akala mo kung hindi kumain ng ilang linggo.

"Bakit ka nag-leave?" Diretsong tanong ko at diretsong tingin rin sa kanya. Ayaw ko kasing may itinatago siya sa akin, lalo na kung problema.

Ngumisi lang siya at umiling. "Wala lang."

"Wala lang? Nag-leave ka dahil wala lang?" with emphasis. Pinagtritripan na naman ako nitong asawa ko. Sa totoo lang, okay lang naman sa akin tuwing pinagtritripan niya ako kasi nakakatawa nga eh. Pero ngayon, parang iba. Medyo nagbago rin siya this past few days. Parang lalo siyang naging moody, pero lalo rin namang naging sweet.

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon