Chapter 17

6.6K 105 16
                                    

Happy birthday, Choi Minho!

-----

CHAPTER 17 - Oo Ata

Pagkatapos ng 'friendly date' namin ni Marco ay inihatid na niya ako sa condo. Alas dose na ata kami naka-uwi. Ang adik nga niya, siya pa naman may sabi na may duty siya bukas.

Tinanghali na ako ng gising kinabuksan. Kung hindi pa tumawag si Jose sa akin ay hindi pa ako magigising.

"Hello? Jose?" bati ko habang humihikab.

(Senna! Gig tayo mamaya! Miss ka na namin eh!)

Napa-ngiti ako sa sinabi niya. "Sige."

Wala akong ginawa kundi ang tumunganga. Nakakabanas nga, parang bored na bored ako. Parang may hinahanap-hanap ako, hindi ko naman alam kung ano. Sinubukan kong kumain dahil baka gutom lang itong nararamdaman ko, pero wala akong gana. Binuksan ko nalang ang cellphone ko kahit wala namang nag-text. Binuksan ko ang Gallery at nakita ko doon ang pictures namin ni Marco sa Ferris Wheel kagabi.

Ang dami pala naming shots. Pero sa lahat ng shots na yun, tatlo lang ata ang matino. Hindi ko napansin na naka-ngiti na pala ako habang tinitingnan ang mga pictures namin. Nakakatuwa kasi, para siyang tanga sa mga pictures. Pero hindi ko madedeny na ang ganda ng ngiti niya.

Naalala ko rin ang stolen shot ko sa kanya kagabi habang nagdi-dinner kami! Agad kong binuksan yun at ginawang wallpaper. Nakakatanggal kasi ng bad vibes ang pagmumukha niya. Hahaha. Okay lang na yun ang bumungad sa akin pagbukas ko ng phone ko kasi natatawa talaga ako.

Patuloy lang ako sa pag-tingin ng mga pictures hanggang sa ma-open ko ang folder na naglalaman ng mga picture namin ni Leo. Napabalikwas ako at agad ko iyong binura. 356 photos rin yun! Whew. Kaya naman pala halos maubusan na ng memory ang cellphone ko dahil ang daming laman na basura. When I say BASURA, si LEO! Basura = Leo okay?

Since nandito na rin naman ako sa deleting session na ito. Binura ko na rin lahat ng mga messages ni Leo na sinave ko. Napaka-hibang ko pala noon noh? Nakakadiri. Buti ngayon, medyo nagigising na ako sa katotohanan.

Inabot ako ng halos isang oras sa pagkakalkal ng mga dapat burahin. Pagkatapos kong magbura ay sinubukan kong matulog. Bored na bored lang talaga ako. Pero hindi ako makatulog, kaya nag-shower nalang ako. Gagala nalang siguro muna ako.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil sabi ko gagala ako, pero ewan ko't dinala ako ng kotse ko dito sa San Roque Hospital. Nagdalawang-isip pa ako kung bababa ako o hindi. Bakit ba ako pumunta dito? Ni hindi pa ako nagla-lunch. Napa-iling nalang ako sa sarili ko habang naglalakad papasok sa ospital.

"Excuse me. Si Hen- I mean... Si Dr. Henri?" tanong ko sa nurse sa nurse's station.

"Si Dr. Cereza po, ma'am?" naka-ngiting tanong niya.

Tumango ako.

"Nagra-rounds po ata siya. I-checheck ko lang po. Hintayin niyo nalang po siya. Maya-maya, tapos na yun." sabi ng nurse.

Nginitian ko siya at umupo ako sa mga upuan sa waiting area.

Teka nga lang! Bakit ba ako nandito? Anong gagawin ko dito? Paano kung tanungin ako mamaya ni Marco kung anong ginagawa ko dito, anong sasabihin ko?!

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon