Chapter 30

6K 104 34
                                    

Veronica on the Multimedia-->

-----

CHAPTER 30 – OPLAN: Hello Marco

Nang dumating ang gabi ng Linggo ay hindi na ako mapakali. Excited na ako para bukas. Halos hindi na nga ako makatulog sa kaba at saya. Marami akong naiisip ngayong babalik na si Marco at tulad ng sinabi niya noong tumawag siya ay marami siyang ieexplain.

Ang idinadasal ko nalang ngayon ay ang happy ending ko.

Paano kung ang ieexplain niya pala ay tungkol sa relasyon nila ni Katherine dahil nagkabalikan na sila lalo na’t may anak na sila, si Rapunzelle.

Pero hindi, think positive akong si Marco na nga talaga. Siya na talaga ang happy ending ko. Sana pareho ang takbo ng isip namin ng tadhana.

Kaya naman nang magising ako kinabukasan ay mabilis akong naligo at nagbihis para pumasok sa school. Kung pwede lang sanang wag nang pumasok at hintayin ko nalang si Marco ay ginawa ko na. Syempre, kahit na gaano ko kamahal si Marco, dapat ko pa ring unahin ang pag-aaral ko. 

Pero syempre, kahit na nagtuturo ang professor ay walang pumapasok sa isip ko. Pilit kong tinatanggal sa isip ko si Marco. Ilang oras lang, Senna, mag-aral ka please. Para sa future mo!

 

 

Nang matapos ang klase namin ay agad naming hinanap ni Martin si Suzette. Buti nalang at nagka-meeting ang faculty at hindi na kami klaklasehin sa kaisa-isang subject namin mamayang hapon. Umaayon ang tadhana sa akin ngayon ha, medyo b*tch kasi siya sa akin these past few days. Medyo bumabawi.

Hindi na kami nag-lunch at pumunta na agad kami sa bahay ni Marco. Malamang lang ay doon uuwi yun. Magkasunod ang Titanium ko at ang kotse ni Martin. 15 minutes lang ay nakarating na kami kaagad sa bahay ni Marco. Habang tinatanggal ko ang seat belt ko ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

“Nandyan na ba siya?” tanong ko kina Suzette na kabababa rin ng kotse.

“Ang totoo niyan, hindi pa siya nagtetext simula kahapon. Hindi ko alam kung anong oras ang uwi nila. Tinetext ko siya pero hindi nagrereply. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Mabilis kasi malowbatt ang phone niya at wala pa namang kuryente sa Tacloban.” Sabi ni Suzette.

“Ang mahirap niyan kung na-lowbatt si Kuya Marco nung pauwi na sila.” Sabi naman ni Martin. “Talagang hindi siya makakapag-charge.”

“Kung sa San Roque nalang tayo? Sigurado namang doon bababa lahat ng doctors.” Sabi ni Suzette.

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon