Chapter 1

12.9K 135 24
                                    

CHAPTER 1 - Bangga

"I hate you, Leo."

Pagewang-gewang akong naglalakad sa sidewalk. Lasing na ako, umiikot na ang paligid pero alam ko pa naman ang nangyayari. Tanaw na tanaw ko na rin ang Vieda Tower, ang condo ko. Aabot naman siguro ako doon, kung hindi baka sa sofa na naman sa lobby ang tutulugan ko.

Patawid na ako ng daan nang may marinig akong OA na busina at nakakasilaw na ilaw ang nakita ko. Napapikit ako at natumba. Kukunin na ba ako ng Diyos? Sige! Kunin Niyo nalang ako, wala na rin naman si Leo. Wala nang saysay ang buhay ko.

Pero wala. Wala akong naramdaman na kahit ano. Nabangga ba ako o ano? Pero wala talaga. Wala akong naramdamang tumama sa akin? Ugh! Kahit na ganun, nanatili pa rin ako doon. Baka sakaling mabangga pa rin ako. Humandusay nalang ako sa daan.

"Miss? Miss?! Okay ka lang ba?" Rinig ko ang boses ng isang lalaki, pero wala. Inantok ako bigla. Masarap rin pala mahiga sa daan.

"Miss?!" Niyugyog pa niya ako hanggang sa unti-unting magdilim ang paligid.

Pagdilat ng mga mata ko, liwanag na naman ang nakita ko. Ano ba, kukunin na ba talaga ako ng kalangitan? Pero unti-unting nakapag-adjust ang mga mata ko sa liwanag. Araw na pala. At sobrang sakit ng ulo ko, hangover. Bumangon ako sa kama saka ko narealize na hindi ito ang condo ko!

Nagsimula na akong magpanic habang inaalala ko kung anong nangyari kagabi. Naglasing ako dahil kay Leo at 'nung pauwi na ako...

"Muntik kitang masagasaan kagabi." Biglang may nagsalita. Napalingon naman ako sa lalaking nakatapis lang ng tuwalya at basang-basa ang katawa. Mukhang bagong ligo siya. Pero shet, ang abs. Ang dibdib, ang muscles. *O*

"A-ah..." Napahaplos ako sa buhok ko. Laway mo, Senna! Hindi mo kilala 'yang lalaking 'yan tapos pinagnanasahan mo.

Tipid namang napangiti 'yung lalaki. Oy, baka iniisip niya na naaattract ako sa katawan niya. Hell no! NO! Hindi talaga! Nabigla lang ako kanina noh.

"Pasensya ka na. At salamat sa pagpapatuloy sa akin dito sa kwarto, este bahay mo. Aalis na ako."

Dinampot ko ang shoulder bag ko na saktong nasa side table. Agad kong inilabas ang wallet ko at naglabas ng P5,000.

"Heto, tanggapin mo. Para sa lahat ng abala ko sa iyo."

"Naku, hindi na. Hindi ko naman kailangan yan. Okay lang talaga." sabi niya.

Naningkit ang mga mata ko. Well, kung ibabase dito sa kwarto niyang parang presedential suite, mukhang mayaman nga siya at hindi niya kailangan ang pera.

Ibinalik ko nalang ang pera sa wallet ko at lumabas na ako ng kwarto niya. In all fairness, malaki ang bahay niya. Pero mag-isa lang kaya siya dito? Wala naman akong ibang nakitang tao. Wala ring katulong? Pero malinis ang lahat ng sulok ng bahay. Tsk. Creepy naman ng lalaking 'yun.

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon