Di Bale Nalang [MinSul]

Dedicated to
MinSulians <3
spinner.gif

SPG: Words. Contains some (or I mean A LOT) of curse words.

-----

PROLOGUE

"Senna~ Senna, I'm sorry..."

"Senna, I'm coming back to Canada. I-ikakasal na kami ng fiancee ko, ni Kaitlyn."

"Senna, sorry... Hindi ko sinasadya. Minahal rin kita, alam kong mali yung ginawa ko. At nagsisisi ako... Nagsisisi akong niloko kita."

"Senna, you'll find someone better than me. Yung hindi katulad ko. Please... Senna. I'm so sorry..."

"Tang*na mo! Gag0 ka, Leo! Pakshet ka!" Heto ako ngayon sa sidewalk naglalakad pauwi sa condo ko. Galing ako sa bar, naglasing. Walang hiya kasi ang magaling kong ex, may naghihintay palang fiancee sa Canada, nagawa pang lumandi dito. At kung minamalas nga naman, ako pa ang nabiktima.

"Pakshet ka, Leo. Mamatay ka na!" Tumutulo na naman ang mga luha ko. Gabi-gabi nalang akong ganito simula noong iwan ako ni Leo. Hindi naman ako ganito noon nung hindi pa kami magkakilala nung gagong yun eh, although sawi na talaga ako sa pag-ibig noon palang.

Ang first love ko, si Vincent, iniwan ako para sa isang magandang modelo. Paano naman kasi, para akong pinatayong bilao noong high school. Para akong lalaki - flat-chested, walang shape ang katawan, hindi maganda. Sabi nga ng mga tsismosang walang magawa sa buhay noon, "Anong nakita ni Vincent sa pangit na Senna'ng yan?" Pero simula nung iniwan niya ako, binago ko ang sarili ko. Make over, make over din pag may time ano. Anong silbi ng pera?

Then Leo came. Sabi ko, hindi na ako magmamahal ulit. Pero nahulog pa rin ako sa kanya eh. Tapos kung kailan hulog na hulog na ako, saka ko malalamang may sabit pala siya. Ikakasal na pala siya sa Canadian niyang girlfriend, at nagbakasyon lang sandali dito sa Pilipinas para sabihin sa pamilya niyang ikakasal niya. Shet naman yan, "I do" nalang ang kulang sa kanila, bakit kailangang may masaktan pa. Bakit kailangang masaktan pa ako?

Kaya ayoko na. Hindi na talaga ako magmamahal muli. Wala na akong pakialam kung maging mag-isa ako sa buhay forever, wala akong pakialam kung ako lang ang walang lovelife sa aming magkakaibigan.

Wala na talaga akong pakialam.

Dibale nalang kung maging forever alone ako. Dibale nalang...

-----

COMING SOON! AFTER NG MARRIED WITH MY EX. <3 ABANGAN!

Comments & Reviews (14)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Prologue

Cast

Choi Sullias Senna Cuevas
Choi Minhoas Marco Henri Cereza
Kim Myungsooas Martin Lopez
Bae Suzyas Suzette Cereza
Suhoas Leo
Park Chanyeolas Jose

Who's Reading

Recommended