Chapter 2

10.4K 139 7
                                    

CHAPTER 2 - Talambuhay



"IKAW NA NAMAN?!"

Seryoso ang tingin niya sa akin, pero parang natatawa. Nakakabwisit!

"Yung totoo? Sinusundan mo ba ako, ha?"

Biglang kumunot ang noo niya sa sinabi kong iyon. Bakit ba? Eh mukhang sinusundan nga niya ako. Ano namang ipinunta niya sa ospital na ito? Grabeng coincidence naman yun!

Dahil nasa hallway kami, pinagtitinginan ako ng mga taong naglalakad. May pasyente pang nakasakay sa wheelchair na grabe ang titig sa akin. Sa akin. Sa akin lang! Ganoon ba ako kaingay? Eh di ko naman kasalanan. Ito kasing lalaking lapitin ng disgrasya na ito.

"Wow. Miss, kalma. Wag kang feeling dahil hindi kita type."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Parang sinampal ang ego ko sa sinabi niya. Hindi niya ako type. Oh well, I don't care! Ano naman kung hindi niya ako type, mas lalong hindi ko siya type. Asa!!!

Pagkasabi niya nun ay tinalikuran niya na ako. Hindi naman ganun kalakas ang boses niya kaya hindi yun narinig ng ibang taong dumadaan. Parang lang kaming nag-uusap sa hallway, parang walang tensyon.

"Don't worry. The feeling is mutual!" singhal ko sa kanya na siyang nakakuha ng atensyon ng mga tao. Humarap pa siya sa akin tapos itinaas niya ang mga kilay niya sabay ngiti. Inirapan ko nalang siya at saka ako naglakad papunta sa dapat ay kanina ko pa pinuntahan.

Nakakapang-init ng ulo ang lalaking yun! Aish! Subukan niyang magpakita ulit sa akin, jojombagin ko na talaga siya! Nakalimutan ko pa palang muntik niya akong masagasaan! Paano kung nasagasaan niya ako! Paano kung namatay ako? Hindi ko naman gustong mamatay, noh! Lasing lang ako nun kaya okay lang sa akin na kunin na ako ni Lord nung time na yun dahil sa ex kong pakshet.

"Excuse me, Ma'am? Ano po yung kailangan niyo?"

Pinitik-pitik nung nurse ang hangin (ansabeh?) para makuha ang atensyon ko. Natulala pala ako.

"A-ah... Ano. Itatanong ko lang sana kung anong pwedeng kainin ng may Dengue. Gutom na po kasi yung kapatid ko."

***

"Ate oh, kain tayo!"

Pagdating ko sa kwarto ni Sean, kumakain na siya. At saan naman kaya niya nakuha ang mga yan?

"Ano yan? Saan mo nakuha yan? Bawal sa iyo ang maalat, maanghang o mataba!" Hinablot ko ang hawak niyang cup.

"Ate, ano ba! Hindi yan maalat! Hindi yan maanghang! At lalong hindi yan mataba! Galing yang sa doktor ko!" Depensa ng kapatid ko.

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon