Chapter 39

6.2K 100 26
                                    

CHAPTER 39 – Future Mrs...

Pumasok ako sa Interlab na may malaking ngiti sa labi ko. Hindi ako naihatid ni Marco kasi may duty siya ngayon, kaya nag-commute ako. Nasa car wash pa kasi yung Titanium ko. Every Monday, Wednesday, Thursday at Saturday ang duty ni Marco. Hindi pa doon kasama kung may mga ooperahan siya.

"Blooming ka ngayon, Senna ah!" sabi ni Rico pagka-pasok ko sa opisina namin.

"Ganun na ba ngayon pagkagaling sa sakit?" sabi naman ni Lea.

Nagkibit-balikat lang ako saka ako lumakad papunta sa puwesto ko. Laking gulat ko dahil may bouquet ng pink roses sa desk ko.

Agad ko namang ni-check ang card. Syempre, alam ko nang galing sa kanya ito pero nakakakilig pa lalo kung mababasa mo mismo yung nakasulat doon.

You're always on my mind. - MHC

 

 

Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Ang cheesy talaga ng lalaking iyon! Nakakainis. Napakagat nalang ako sa labi ko habang pinipigilan ang paglawak ng ngiti ko habang inaamoy-amoy ang mga pink roses na ito.

Buti nalang hindi bouquet ng green leafy vegetables ang ibinigay niya. Natatawa tuloy ako sa sarili ko habang iniisip na paano kung green leafy vegetables ang ipinadala niya.

"Kung maka-deny ka nung isang araw na may boyfriend ka..." biglang sabi ni Lea sa likod ko. Nginitian ko lang siya. "Sino ang maswerteng lalaki?"

"Secret." sabi ko.

"Nakita ko siya kanina." sabi ni Rico.

"Ha? Anong nakita? Eh wala naman siya dito!" sabi ko bigla.

"Maaga kasi akong dumating tapos biglang pumasok siya, dala-dala yan. Tinanong niya sa akin kung saan ang desk mo kaya itinuro ko." paliwanag ni Rico.

Ano daw? Si Marco ba talaga mismo ang naghatid nito dito? Hindi niya ipina-deliver or something? Adik talaga ang lalaking yun!

"Yun si Dr. Cereza, diba?" naka-ngising tanong ni Rico.

"A-ah..." napalunok ako. "Oo."

"Ohmygulay, Senna! Si Dr. Cereza ang boyfriend mo?!" hysterical na bulong ni Lea. Buti nalang at hindi niya isinigaw, siguradong pinagpipiyestahan na ako ng mga tingin ng ibang empleyado kung sakali. I'm sure, kilala dito si Marco. Interlab ang supplier ng 75% ng gamot ng mga ospital dito tulad ng San Roque.

At syempre, sa kagwapuhan naman ng doktor na yun! Sikat na sikat yun. -_-

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon