CHAPTER 80 - ang Kapalaran ni Cassie, Sandy, o Cassandra

1.9K 121 18
                                    


"Freaks!" sigaw ng lalaking may mga peklat sa mukhang bahagyang nailawan ng ilaw sa kalapit na poste. Nakatutok ang baril nito sa babaeng nakahandusay.

Dinig ni Errol ang sigaw ni Diana katabi ng tiyahing nabaril.

"Did I miss your party?" Paika-ika itong naglakad. Ang isang paa ay artipisyal na lamang. "I waited too long for this. Matagal ko na kayong minamanmanan. Ang laki ng mga atraso ninyo sa akin. Lalo ka na, Cassandra."

Dumaing si Cassandra habang tinitihaya ni Diana ang katawan niya. "Lucio..."

"Sinasabi ko na nga ba na hindi ka baliw." Halata sa mukha nito ang galit. Nang tanggalin nito ang sombrero ay mas lumitaw ang pinsalang natamo nito sa ulo. Maraming mga peklat. "You know how I got these things?" Tinukoy niya ang pinsala sa mukha at katawan.

Umiling lang si Cassandra.

"One of your friends buried me alive. Mabuti na lang malambot ang lupa sa ilog. Nakalabas ako, pero halos ikamatay ko yon! Tumawag ako sa'yo!"

"Lucio, pag-usapan natin ito nang mahinahon," saad ni Cassandra.

"Ate, kailangan ka nang isugod sa hospital!"

"Walang aalis!" sigaw ni Lucio. "Tinawagan kita para damayan mo man lang ako, pero wala ng importante sa iyo kundi ang mga plano mong hayop ka!"

"Ako yong sumagot sa'yo sa telepono!" sigaw ni Diana.

Hindi makaimik si Errol na naguguluhan sa mga pangyayari. Nilingon niya ang mga kaibigan na sa tingin niya ang nanghihina pa dahil sa matinding labanang naganap sa buong araw na iyon.

"I'll try to heal you, ate. Stay calm!"

"No, Diana." Hinawakan ni Cassanda ang manggas ng kapatid. "Masyado ka pang mahina."

"Pero..."

"Don't worry," saad ni Lucio, "I have enough bullets for everyone."

"Matapang ka lang dahil may baril ka!" sigaw ni Ivan. "Lumaban ka nang patas!"

"Buhay ka pa pala."

"Oo. May atraso ka rin sa akin, tarantado ka!"

Nagsindi ng sigarilyo ang mama. Pagkatapos ay tinutok nito ang baril sa binata. "Gaganti ka?"

"Ibaba mo ang baril mo," mahinahong saad ni Errol.

"Tumahimik ka, bakla!"

"Gago kang tarantado ka!" Ang pagsugod ni Ivan ay sinabayan ng putok ng baril.

Subalit bumagal ang takbo ng bala sa ere. Tumigil ito. Dahan-dahan ring bumagal ang pag-ikot ng bala hanggang sa mahulog ito sa semento.

"Tsk..." Ngumisi si David na nasa likuran nina Diana. "Don't know you, Mr. Ugly, but you're messing with team awesome!"

"Thanks, mate!" Sinapak ni Ivan ang gulat na si Lucio. Halata ang gigil sa mukha nito. Sinipa niya ang nabitawang baril papalayo. "Buti nga ikaw sapak lang, eh!" Isa pang suntok ang pinadapo nito sa panga ng lalaki. "Alam mo ba kung ga'no kasakit mabaril sa dibdib? Mas masakit pa dito!" Dumapo ang kamao niya sa dibdib ng katunggaling hindi makagalaw nang maayos. "Eh, kung patayin kaya kita dito ngayon?"

"Ivan..." Lumapit si Errol sa kanya.

"Ipapahamak mo pa magiging asawa ko! Ulol!"

Dumaing ang nakatihayang si Lucio at dumura sa gilid niya. "Freaks!" Inirapan niya sina Errol at Ivan.

Hindi na nakasuntok pang muli si Ivan. Lumakad si Dane papalapit sa kanila. Hinawakan nito ang braso niya at yumukod sa gilid ni Lucio. "Listen to me. You will turn yourself in to the police. You'll tell them you shot a woman named Cassandra Imperial. Do you understand me?"

Nakadilat lang si Lucio habang tumatango.

"Go," mahinang saad ni Dane.

"What!" bulalas ni David. "You'll just let that asshole go?"

Dahan-dahang tumayo si Lucio at naglakad papalayo. "I'll report myself to the police. I'll tell them I shot Cassandra Imperial. I'll turn myself in. I'll get myself imprisoned." Paika-ika itong naglakad. "I'll turn myself in to the police. I deserve it. I am a criminal. I am a killer." Humihina na ang boses nito habang naglalakad papalayo. "I am a drug lord. I will tell them about my illegal businesses. I will turn everyone in."

"He won't harm anyone anymore."

"Ate!"

Pinalibutan ng mga binata sina Diana at Cassandra.

"Diana, h'wag!" bulalas ni Cassandra nang muling ilapat ni Diana ang kamay sa noo niya. "Mahina ka pa. Baka mapa'no ka."

"Tita!" bulalas ni Errol. "Dalhin na natin siya sa hospital."

"Sandali!" bulalas ni Diana. Hinawakan niya ang kamay ni Cassandra. "Pagagalingin kita..." Dumaing ito at nahilo.

"Great," saad ni David, "now there's two of them."

"Shut up!" sigaw ni Dane na halata ang irita habang binubuhat si Cassandra.

"Wala na tayong kotse!" bulalas ni Ivan habang binubuhat si Diana.

"All right, guys," saad ni David na nilapat ang kamay sa balikat ni Errol, "I'll just carry shortie."

Hindi na umabot ng hospital si Cassandra. Bago pumanaw ay nagpasalamat ito kay Errol sa kapatawaran niya. Humingi din siya ng tawad sa nakahiga ring si Diana dahil sa hindi niya pagiging mabuting kapatid sa kanya. Ngunit tiniyak niya dito na wala siyang kasalanan.

Naalala ni Errol ang mga magulang. Nagpaalam silang dalawa ni Ivan sa mga kasama. Naintindihan naman nina Diana na kailangan nilang umalis. Nag-iwan ng numero si Ivan sa kasambahay ni Felicia upang may matawagan ito. Halos mag-uumaga na nang marating nila ang Sampaloc. Hindi pa nalinis ang maraming parte ng kalsada. Nakailang sakay din sala dahil sa mga kalsadang hindi madaanan.

Sinakluban ng panlulumo si Errol nang masaksihan ang pagkawasak ng mga kabahayan. Batid niyang kasama ang mga bahay nila sa mga nawasak. Mahigpit siyang niyakap ni Ivan, marahil upang pigilan siyang suungin ang kumpol ng mga yero at bloke ng mga nawasak na semento. Pinatahan niya si Errol na sigaw nang sigaw. Nang mahimasmasan ay nagtanong-tanong sila kung may nakakita ba kina Aling Celia at Mang Gary. Ngunit wala sa kanilang mga kapitbahay ang nakapansin. Ayon sa kanila ay mabilis ang mga pangyayari at nagtakbuhan na lamang sila nang bayuhin ng buhawi ang mga kabahayan.

Habang nagdadalamhati ay tumunog ang cellphone ni Ivan.

------------------

Hayyy... Tapos na ang major climax. We're going to wind down na, guys. Kamusta naman kayo? Hehe

Enchanted Series 3: The Darkness WithinWhere stories live. Discover now