CHAPTER 83

2K 101 4
                                    


"Tinawagan ko nga pala si Nay Sol kanina," saad ni Ivan habang nagmamaneho.

"O, ano daw?" Pilit pinapaandar ni Errol ang teleponong nasira yata noong kasagsagan ng gulo.

"Okay lang daw sila ni Rose. Natuklap daw ang bubong nila, pero hindi naman gaanong nasira ang bahay nila."

"Kelangan ko sila puntahan!" bulalas ni Errol na sandaling lumingon kay Ivan.

"Easy, baby." Hinawakan ni Ivan ang kamay ni Errol. "Alam ko marami ka pang iniisip ngayon."

"Nangako ako sa puntod ni Erik na ako ang aalalay sa kanila. Ang tagal kong nawala eh."

"Hindi ko naman sila pinabayaan."

"Salamat, Ivan, kasi inako mo ang responsibilidad ko." Dahil sa inis sa ayaw gumanang telepono ay napadiin ang hawak ni Errol dito. Sandaling nagliwanag ang kanyang kamay at umandar na rin ang telepono. Napangiti siya nang maalala na isa pa rin siyang superhuman. Bakit nga ba minsan nakakalimutan niyang hindi siya ordinaryong tao?

"Syempre, asawa na kita eh." Hinalikan ni Ivan ang kamay ni Errol. "Magkasama tayo sa hirap at ginhawa, baby ko."

Kinilig si Errol sa narinig. Bakit ba hindi pa rin siya makapaniwalang ang lalaking pinangarap niya lamang noon ay heto na at hinahalik-halikan ang kamay niya? Parang panaginip.

* * *

Pumasok ang kanilang sasakyan sa isang sementeryo. Tumigil sila malapit sa lugar kung saan may libing. Naroon ang lahat ng mga kakilala nila -- sina Cindy na kasama si Bryan, syempre si Diana at si Don Mariano na noon lang nakita ni Errol, ang mga kasama ni Errol noon sa dating trabaho. Sina Dane at David ay nandoon din.

Nang matapos ang libing ay nag-usap sina Dane, David, at Errol habang sina Ivan at Diana ay nag-usap din.

"Hey, shortie,"saad ni David, "hate to break this up to you, but we're going back tomorrow."

"Rod wants everyone back," dagdag ni Dane. "I know you and Ivan are still..."

"It's okay," saad ni Errol na unti-unting sinakluban ng lungkot habang napapatingin sa gwapong binatang napasulyap sa kanya. Nginitian niya ito nang ngumiti ito sa kanya. Bumalik din ito sa pakikipag-usap kay Diana.

"Hey!" Pinatong ni Dane ang mga kamay sa balikat niya. "If you don't want to do this, I understand. I'll just talk to Rod."

Umiling si Errol. "I'm going with you."

"You still have training to do." Kumindat si David sa kanya.

"Shouldn't you be promoting me?" Sumimangot siya. "I saved your asses."

Natawa nang payak si Dane at tinapik si David. "He's ... actually right!"

"What's up, boys!" Nakapamewang si Diana na sumulpot bigla at pumagitna kina Dane at David. "How about dinner tonight at our house?"

"Di ba namatayan kayo?" bulalas ni Ivan na sumali na rin.

"We're not really religious." Umismid si Diana na mugto ang mga mata. "And I think we have things to thank for." Inikot niya ang tingin sa kanilang lahat.

Lumapit sa kanila ang isang babaeng noon lang nakita ni Errol.

"Guys, this is my girlfriend Julie."

Kumaway lang ang babaeng maiksi ang buhok sa lahat. Halata ang pagkailang nito.

"Ivan," bulong ni Errol nang lumapit ang binata sa kanya, "babalik na daw kami bukas."

"Saan?"

"Sa Amerika."

Nagbago ang itsura ng mukha ng binata. Ang ngiti nito ay napalitan ng lungkot. "Bakit babalik ka pa?"

"Kahit paano kasi..." Nag-isip si Errol kung magdadahilan ba o kung ano. Isang parte ng utak niya ay ayaw na'ng umalis. Ngunit -- "Malaki na rin ang utang na loob ko sa kanila. Kung hindi dahil sa kanila malamang patay na ako ngayon. Marami din akong natutunan habang kasama sila at nagte-training."

"Iiwanan mo na naman ako." May inis ang pagkakasabi ni Ivan. Namumula ang kanyang mga mata.

"Pero kakausapin ko si Director Rod para kahit paano makabalik ako dito."

Suminghot si Ivan. "Pwede ka naman dito na lang sa Pilipinas."

"Wala na ring trabahong naghihintay sa akin dito."

"Hindi mo na naman kailangan magtrabaho eh."

Hindi na malaman ni Errol kung ano ang sasabihin. Nagtatalo ang kanyang diwa. Hindi niya gusto ang nakikitang lungkot sa mukha ni Ivan. Nalulungkot din siya. Kulang na kulang ang makling panahong binigay sa kanya kasama ang mga taong mahalaga sa kanya. Gusto niyang manatili. Gusto niyang umalis.

Hinawakan siya ni Ivan nang mahigpit. "Gawin mo kung ano sa tingin mo'ng tama. Susuportahan kita. Nandito lang ako lagi nakaabang."

Parang tinusok ang dibdib niya sa sinabing iyon ni Ivan. Napayakap siya nang mahigpit dito. Isang halik sa kanyang pisngi ang nagsaad na tanggap na ni Ivan, pagtanggap na bahagyang nagpagaan sa kanyang pakiramdam. Isang sipol ang nagpalingon sa kanya.

Kumindat si David sa kanya at ngumisi nang malawak.

Doon niya napansin na nakatingin ang lahat sa kanila. Hindi na niya namalayan kung sino ang mga humiyaw dahil nagtitigan na lang silang dalawa ni Ivan.

"All right, guys," saad ni Diana, "I'm expecting you at the house tonight. Padespedida na rin sa tatlo nating kasama dito."

"Um."

Napalingon sina Errol at Ivan.

"Finally!" Nakangiti sa kanila si Cindy. "It's good to see you both."

"Ate Cindy, kamusta ka na?" Kumalas na si Errol sa pagyakap kay Ivan.

"Heto, medyo tumataba na." Ngumiti ito. "Ikaw, you look great now. Gumwapo ka."

Pinamulahan si Errol. "Sakto lang, ate."

"Ivan, pwede ko bang hiramin si Errol ng isang oras?"

"Cindy naman o!" bulalas ni Ivan. "Kulang na nga oras namin ng asawa ko" -- kinurot nito ang pisngi ni Errol.

"Aray!"

"Babawasan mo pa ng isang oras!"

Natawa si Cindy, ngunit naging masuyo rin ang mukha at tono. "Just one hour, please?"

Hinawakan ni Errol ang kamay ni Ivan at tumango.

"Okay, sige," sagot ni Ivan. "Pasalamat ka mahal kita." Muli niyang kinurot ang pisngi ni Errol.

"Aray!" Hinimas niya ang pisngi. "Hindi na pagmamahal yan. Pananakit na."

"Sorry, baby ko..." Hinalikan nito ang pisnging kinurot.

"Ihahatid ko na lang siya sa bahay nina Diana." Kumaway si Cindy sa mga ito at umalis kasama si Errol.

"Sa'n ba tayo pupunta?"

"Errol, kasi... Basta, may kailangan kang makita."

---------------

note: kung ano ang pinakita ni cindy ay hindi ko na ibubunyag dito. pag-uusapan yan nina errol at ivan sa book 4. yung mga nakabasa ng snippet ni patricia sa the enchanted scribbler na facebook group, alam niyo na. 

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon