CHAPTER 26

2K 122 27
                                    

DON'T hesitate to let me know your thoughts in the comments below.

----------------

Malawak ang fitness area na iyon at maraming nandoon. Isa sa mga napansin ni Errol ay hindi lahat ng nandoon ay Amerikano. May mga ilan na galing sa iba't-ibang bansa. May mga singkit. May mga nagsasalita gamit ang wikang hindi niya maintindihan. Maraming kagamitan ang nasa loob, lahat ay puro pampalakas ng katawan.

Kasama niya si David na halatang masama ang timpla. "You don't have to accompany me if you don't like to," saad niya.

"No," nakasimangot na sagot ni David, "don't mind me. I'm here to walk you through this."

"Okay. But don't drop the weights on me," saad niya sa kalmado, halos walang emosyong, boses. Hindi naman siya nababahala dahil alam niyang hindi siya kilala ng mga bagong kasalamuha. Wala silang alam sa pagbabagong ito sa kanyang personalidad. Ngunit may isang tila natawa sa walang emosyon niyang hirit.

Nakangisi si David. Sa wakas ay nagliwanag kahit kaunti ang hitsura nitong nakabusangot. "I didn't know you had a funny bone."

"I had a friend back in the Philippines who's a hell lot funnier than me," sagot niya habang hinuhubad ang jacket. Naiwan ang kanyang t-shirt at jogging pants sa katawan. "Where's Dane?"

"He has other things to do." Hinubad na rin ni David ang suot na jacket at tumambad ang pumuputok nitong masel sa suot nitong tank top.

"Do you always fight?"

Pigil na ngiti ang sagot ni David.

"Sorry, I didn't mean to ask about personal things."

"It's okay. Sometimes we fight hard. But then we fuck harder." Ngumisi ito.

"So you guys will be okay?"

Tumango si David habang hinihigpitan ang sintas ng mga sapatos. "Yeah, I think so. I can't let that asshole go."

"Who's the asshole?"

Napalingon ang dalawa sa isang kulot na babaeng kayumanggi ang balat ngunit Amerikana ang itsura. Nakapamewang ito kay David habang ngumunguya ng bubble gum.

"Dane and I are having lunch together," saad ng babae.

"It's still 9 in the morning." Umismid si David dito.

Nag-eye roll naman ang babae. "Yuhhh, I mean later." Tinupi nito ang mga kamay sa kanyang harapan. Dumako ang tingin nito kay Errol. "So you got yourself a new boyfriend now?"

"Fuck off, Mags!" Inirapan ng binata ang kausap.

"Hey," bulalas ng babae kay Errol, "this guy is an asshole. So you" -- turo nito sa kanya na pinanipis pa ang mga mata -- "better be careful."

"Shut up!" bulalas ni David. "If I did anything to this guy, Dane would like mind-rape me."

Inirapan naman siya ng babae. "Like he doesn't in real life." Nag-eyeroll ulit ito at umiling bago umalis.

"That's Maggie." Lumingon si David sa kanya. "She has cutting sense of humor."

"What can she do?" tanaw ni Errol ang babaeng iyon habang papalabas ng kanilang gym.

"She can lift heavy stuff." Ginala ni David ang tingin sa malawak na silid na iyon. "She doesn't need these things. She's just super strong."

"I can't even lift these things." Tinukoy niya ang mga dumbbells na nasa harap.

"Can't now. But you will."

"Can't wait to be trained how to fight." Isang blangkong tingin ang pinakawalan ng binata.

"Great! Okay. The first thing we have to do is fix your" -- sinipat ni David ang kabuuan ni Errol -- "body."

Nailang siya kahit papaano. Doon niya lamang napagtanto ang kanyang kakulangan sa aspetong iyon. "I'm not athletic, and I never worked out."

"That'll have to change."

Sa unang linggo ng pagsasanay ay hirap na hirap si Errol. Ni isang standard push-up ay di niya magawa. Mababa din ang kanyang endurance. Hindi niya kayang tumagal sa treadmill ng sampung minuto. Napapailing si David minsan habang siya naman ay hinahapo. Ngunit determinado siya.

Pinag-igihan ni Errol ang pagpapalakas sa katawan. Pagkatapos ng tatlong buwan ay nakaka tatlumpong push-ups na siya sa isang pasada at sampung pull-ups. Marami na rin siyang nagagawang iba't-ibang uri ng ehersisyo. Sa puntong ito ay nagkahubog na rin ang noo'y walang korteng katawan ng binata. Pumorma na ang kanyang deltoids. Medyo nagkalaman na rin ang kanyang mga balikat at dibdib.

Sinailalim siya sa high-protein at whole grain diet. Tinuturukan din siya ng kung anong likido isang beses bawat linggo. Hindi niya alam kung ano ang epekto nito dahil hindi siya nagtanong. Nabawasan ang taba sa kanyang katawan at nagkamasel na rin siya nang kaunti. Nabawasan ang kanyang pisngi, at mas lumitaw ang kanyang panga.

Sinabak na rin siya ni David sa self-defense training na nagiging mas mahirap sa pagdaan ng mga araw. Ilang beses siyang muntik nang mabalian. Minsan ay nakatingin sina Dane at Maggie sa training niya. Kahit na tinatawanan siya ng huli ay hindi siya nagpadaig sa hiya. Ang totoo ay wala siyang pakialam. Ang gusto niya ay maging mas malakas.

Pagkatapos ng anim na buwan ay ibang-iba na ang anyo ni Errol. Mas nagkakorte pa ang kanyang katawan. Nawala na nang husto ang kanyang bilbil. Mas lumitaw ang kanyang cheekbones. Lumapad na ang kanyang likod at umubok ang kanyang mga balikat. Lumaki din ang kanyang mga braso.

Ngunit nag-uumpisa pa lamang sila.


Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon