CHAPTER 58

1.7K 106 9
                                    


"Something uncanny has been happening in your country, and I'm not talking about all the political bullshit." Nakatiklop ang mga bisig ng babae habang nakaharap sa mga bihag na nakarestrain sa mga silyang konektado sa mga cable. "I wanna make this real quick."

Nagpumiglas si Diana, ngunit wala siyang magawa dahil sa mga bakal na nakabalot sa kanyang mga pulso at paa. "What does the CIA want with us?"

"I have no time for slackers and liars."

"Ano'ng trip nitong mga 'to?" tanong ni Ivan kay Diana.

"Hindi ko alam," sagot ng dalaga na hindi inalis ang titig sa bumihag sa kanila. "Pero sa tingin ko malalaman din natin."

"Don't bother speaking in your language. We have Filipinos on the team." Ngumisi ang babae sa kanila. Inayos nito ang suot na gray coat habang winagayway sa harap nila ang isang remote control. "I need answers. If you cooperate with us, we will set you free. Easy, right?"

"Ano ba'ng kelangan ng tang inang 'to?" bulong ni Ivan.

Pero hindi sumagot si Diana na tinitigan nang masama ang babaeng nakatayo sa harap nila.

"I'm Andrea Moss, director of --"

"I know who you are." Matalim ang titig na ginawad ng dalaga sa kanya.

"What a pleasure," saad nito na tinitigan din ang babaeng bihag. "I don't need introductions anymore if that's the case."

"What do you want?" tanong ng babaeng bihag na binagalan ang pagsasalita upang bigkasin nang maayos ang bawat salita.

"Answers." Inabot ng kasama nitong armadong lalaki ang tablet na agad nitong hinarap sa dalawa. "You know this guy, right?"

"Errol!" bulalas ni Ivan.

"Exactly." Lumawak ang ngisi ni Director Moss. "I was right about you."

"Where is he?" Bakas sa mukha ni Diana ang namumuong galit.

"He was with us for a while, but..."

"What did you do to him?" Diniinan ni Diana ang bawat pantig.

"We tried to get answers from him, but he was" -- humugot ng malalim na hininga ang director at nilapit ang mukha sa dalaga -- "uncooperative."

Ginalaw-galaw ng babae ang mga bisig. Gusto niyang kumawala. "You're assholes!"

"Where is he?" tanong ni Ivan na tila ay nagpupumiglas rin.

"I'll tell you when you answer my questions."

"Where is he!" sigaw ng binata.

"Calm down, gentleman," saad ni Director Moss, "or I'll make you shut your mouth up." Muli nitong winagayway ang remote control.

"Let's get this over with," mariing saad ni Diana.

"Perfect." Muli niyang hinarap ang tablet sa dalawa. "This guy made a mistake of hiding crucial info from us. So we did to him what I will do to you if you disappoint me."

"You tortured him, didn't you?" Nagpupuyos ang dalaga habang tinititigan si Andrea Moss. "Didn't you!"

"You know the drill, ex-agent." Ngumisi ito.

"Mga tarantado kayo!" sigaw ni Ivan. "Kapag nakawala ako dito babasagin ko yang mga pagmumukha niyo!"

"Tsk, tsk... How crass." Tinuya ng babae ang binata.

"Where is he!" Malalim ang mga paghinga ni Ivan. Nanlilisik ang mga mata sa babae.

"He's not with us anymore." Nanunuya ang ngisi ni Director Moss.

Napadilat si Diana. "What!" Napalingon siya sa kasamang binata na natulala sa narinig. Muli niyang binalik ang tingin sa babae. "Bitch, I'm going to drain every ounce of your life when I get out of here."

"I wonder why you don't know where your little friend is." Ngumisi ito kay Diana.

"What?" Bakas sa kanyang pagsimangot ang kalituhan.

"Tang ina, mga hayop kayo!" Halos magwala na si Ivan na mabilis ang paghinga. "Ano'ng ginawa niyo sa kanya!"

"We just needed answers. Torturing him didn't work, though. That guy was unyielding."

"So you killed him?" tanong ni Diana na nakakuyom ang mga kamaong hindi maigalaw.

"You couldn't be any more clueless."

"You sent those men to talk to his parents, didn't you?"

Nagkibit-balikat ang nakangising direktora na tila nanunuya at pinapakitang wala siyang pakialam.

"And those guys in their neighorbood..." Sumimangot si Diana habang nag-iisip. Muli niyang tinitigan nang masama si Andrea Moss. "Those were your men!" Walang nagawa ang pagpupuyos niya dahil sa mga restraints.

Tanging ngisi lang ang tugon ni Andrea Moss sa kanya. "Enough of this needless talk. You tell me what or who is doing all these strange meteorological and geological events in your country."

"We don't know!" Humugot siya ng malalim na hininga nang makitang pipindutin na ng babae ang remote control na hawak.

Ginambala sila ng lindol. Walang gumalaw. Nakiramdam ang lahat sa paligid.

Tumunog ang telepono ni Director Moss na agad nitong sinagot. Matapos sagutin ang telepono ay muling humarap ito sa dalawa. "Guess what?" Ngumisi na naman ito. "We may just get the answers we need." Humarap ito sa mga armado at sumenyas.

"Where are you taking us?" asik ni Ivan nang alisin ng mga kalalakihan ang mga restraints nila.

"Oh, you'll thank me for this." Kumindat ito at binaling ang tingin kay Diana. "Guess Rod doesn't want his freaks to miss the show."

Hindi man sigurado ay lumingon si Diana kay Ivan. Bago pa man siya makagawa ng kung anong ekspresyon sa mukha ay piniringan na sila ng mga armado.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinWhere stories live. Discover now