CHAPTER 21

2.3K 137 16
                                    

DON'T hesitate to point out possible plot holes or inconsistencies. Last night, I left the draft on chapter 75. 95k words and counting. Patapos ko na ang draft. Most likely madadagdagan yan as I do editing. Tapos ko na ang lahat ng battle scenes. I'm just tying up loose ends. Yes, I write in advance. Mas masaya yun. 

--------------------------

"Don't worry. Okay lang naman siguro siya," saad ni Felicia.

"Hindi siya nagpaalam eh." Naghihimutok ang binata habang nagmamaneho.

"Baka busy lang. Wag ka na masyado mag-isip."

"Hindi ko na kasi makontak yung number niya." Hininto ni Ivan ang kotse sa isang coffee shop. Nang bumaba sila ni Felicia ay sinalubong sila ni Jansen.

"O, ano, nakita niyo ba?" tanong niya. Naglakad ang tatlo papunta sa mesa kung saan nakalagay ang isang tasang kinuha ni Jansen. Humigop siya mula rito. "Napakape na naman tuloy ako. Pero, bro, sarap ng kape niyo dito."

Hindi naman mapakali si Ivan na panay ang tingin sa kanyang cellphone. "Galing ka na ba sa kanila sa Sampaloc?"

"Di naman daw pumunta dun," tugon ng nakasalamin.

"Naloko na. San kaya pumunta yun?" Nasapo na lang ni Ivan ang noo at pagkatapos ay umupong nakapamewang.

"Wag mong sabihin wala rin sa apartment niya." Naging seryoso na ang mukha ni Jansen.

"Dun nga kami galing." Bakas sa mukha niya ang pagkaligalig.

"Calm yourself. Baka nasa kaibigan lang." Pinatong ni Felicia ang palad sa balikat ng nag-aalalang binata na hindi man lang siya ginawaran ng sulyap.

Napahinga nang malalim si Ivan. "San kaya nagpunta yun?"

"Ano ba'ng nangyari?" tanong ni Jansen.

Sandaling nagtitigan sina Ivan at Felicia.

"Kasi..." Kumamot sa leeg ang dalaga.

"Hindi ako sigurado." Napayuko si Ivan. "Sabi ni Lindy kahapon umalis siya habang nag-uusap kami ni Felicia." Bumuntong-hininga ito. Tiningnan niyang muli ang telepono at pagkatapos ay binulsa ito. Sinapo niya ang baba habang muling napapabuntong-hininga.

Ngumisi si Jansen. "Di ba alam niya naman na nobya mo siya?"

Hindi malaman ni Ivan ang isasagot. Napayuko ito habang ang mga kamay ay nasa batok.

"Huy!" Tinapik ni Jansen ang balisang lalaki. "Worried ka masyado. Pansinin mo naman ang fiancee mo."

Hinawakang muli ni Felicia ang balikat ni Ivan. "Gusto mo balikan natin sa apartment niya?"

"Baka galit yun." Nakayuko si Ivan. Mapupuna sa kanyang kilos at ekspresyon sa mukha ang labis na pag-aalala.

"Bro, grabe na yan ha. Iniiyakan talaga?" Ngumingisi na naman si Jansen habang humihigop ng kape.

"Kung alam ko na andoon siya..." Hindi tinapos ni Felicia ang sasabihin.

Ramdam naman ni Ivan ang pagpisil ng babae sa kanyang balikat. Hinawakan niya ito. "Ako may kasalanan."

"Kasalanan mo talaga. Kaw may gusto niyang ganyan eh." Unti-unting nawala ang ngisi sa mukha ni Jansen. "Baka nagpakalayu-layo na yun. Ibang klase ka naman kasi mangtrip eh. Sabi ko naman sa'yo di uubra 'to."

Hindi makasagot si Ivan. Hinugot niyang muli ang telepono mula sa bulsa at tinitigan ito. "Errol, magreply ka naman." May pagsusumamo ang tono ng kanyang boses. Binulsa niyang muli ang telepono pagkatapos itong titigan ng ilang minuto.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinWhere stories live. Discover now