CHAPTER 76 - Si Bestpren at si Lolo

1.8K 121 15
                                    

NOTE: Basahin nang maigi ang naratibo para maintindihan kung paano naganap ang mga pangyayari sa kabanatang ito. 

------------

"I found him," saad ni Dane kay Ivan.

* * *

"Rol..."

Lumingon si Errol sa pinanggalingan ng boses. "Erik?" Walang masidlan ang tuwa na kanyang naramdaman. "Erik!" Niyakap niya ito nang mahigpit. "Paano?"

Ngumiti si Erik na hindi tumugon sa tanong niya. Bagkus ay ito ang nagtanong. "Rol, bakit nag-iisa ka?"

"Kinulong ako ng sugo ng dilim."

"Pa'no nangyari yon?"

"Masyado akong nagpakain sa kalungkutan ko."

"Kalungkutan?" Hinawakan ni Erik ang magkabilang pisngi ni Errol. "Nalulungkot ba ang bestpren ko?"

Hinigpitan ni Errol ang pagyakap. Diniin niya ang mukha sa leeg ng binata upang damhin ang pagkalingang kay tagal niyang nais madama. "Erik, lumalaban naman ako, pero hindi sapat ang lakas ko para talunin siya."

Hinagod ni Erik ang likod ng balisang kaibigan. Kumalas din ito sa yakap na iyon at hinawakan ang magkabilang braso ng kausap. "Rol, patawarin mo ako."

"Bakit ka humihingi ng tawad?"

"Kasi kung hindi dahil sa akin, siguro masaya ka ngayon. Siguro wala ka dito."

Umiling siya. "H'wag mo ng sisihin ang sarili mo. Kasalanan ko din naman 'to. Siguro masyado akong umasa."

"Hindi mo kasalanan. Nagmahal ka lang. Siguro kung maaga kong sinuklian ang pagmamahal mo, masaya ka siguro ngayon."

"Pero nangyari na ang mga nangyari, at nandito na ako ngayon. Erik, may na-realize ako."

"H'wag ka mawalan ng pag-asa."

"T-Tama." Sandali siyang natigilan. "Pa'no mo nalamang yan ang sasabihin ko?"

"Ang alin?"

"Na dapat hindi ako mawalan ng pag-asa."

Ngumiti lang si Erik.

"Hindi naman ako nawalan ng pag-asa sa buhay. Siguro napagod lang ako."

"Isipin mo sina Tita Celia. Tatay mo." Ngumiti si Erik. "Si Ivan."

"Lagi ko kayong naiisip."

Nginitian siya ni Erik.

"Gusto ko sila makita ulit."

Nanatili lang na nakangiti si Erik.

Natulala na lang siya sa ngiting ginawad sa kanya ng kaharap. "Ang gwapo mo, Erik."

Pinisil ni Erik ang tenga ng kausap.

Dumaloy ang mga luha ni Errol. "Miss na miss kita, eh!" Ginala ni Errol ang tingin sa puting kawalan. "Ibig sabihin ba nito ay... Patay na ako?"

Umiling ang ngumingiting si Erik. "May mahalaga ka pang tungkulin. Di ba?"

"Pero... Paano kung..."

"Wala ng pero pero. Ano ba ang pinakita sa iyo ng hinaharap?"

Sandali siyang nag-isip. "Si Ivan at ... Ang mga bata." Nagulumihanan siya.

"Di ba nga sabi ko, magtiwala ka lang. Magiging masaya ka, bestpren."

"Pero, tanggap ko na na hindi magiging kami ni Ivan. Noon pa man ay tinanggap ko na."

"Hindi mo na ba siya mahal?"

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon