CHAPTER 29

2K 127 8
                                    


Nakatitig si Errol sa sariling repleksiyon sa salamin. Pinapakiramdaman ang bawat hiningang lumalabas sa kanyang ilong. Sinusuri ang kanyang itsura. Alam niyang may mga pagbabago na sa kanyang katawan. Hindi na siya ang dating malamyang binatang walang korte ang katawan. Maya-maya pa ay yumuko siya habang biglang bumilis ang kanyang paghinga. Binalik niya ang tingin sa salamin.

Habang napapadiin ang hawak niya sa countertop ay umitim ang kanyang mga mata. "Alam kong lumalaban ka diyan sa loob, Errol. Pero wala ka ng magagawa." Narinig niya ang sigaw ng totoong Errol sa loob niya.

Ngumisi lang siya at muling kinausap ang repleksiyon. "Nakakabilib din ang iyong determinasyon. Ang tiyahin mo ay madali kong napasuko. Pero ikaw, lumalaban. Pinapahirapan mo ako." Inangat niya ang mga nakabukas na kamay. Nagliwanag ang mga ito. "Kakailanganin ko pa rin naman ito." Nagbabago-bago ang tindi ng liwanag sa kanyang mga kamay hanggang sa ikuyom niya ang mga ito, at sa pagkuyom niya sa mga ito ay naikubli niya ang liwanag na napalitan ng itim na enerhiyang unti-unting sumingaw mula sa mga kamao. "Wag kang mag-alala, Errol. Sa pamamagitan nito hindi ka na yuyurakan ng sinuman."

Tumunog ang isang automatic messaging device na nasa dingding. Kumikislap ito habang may mensaheng nakalagay na "Meet David at the Lobby in 5 minutes."

Naabutan niya si David na nakatayo sa lobby kasama ang ilan sa mga recruits. "Time for the next phase."

"What phase?" tanong ni Errol.

"Fight with your powers."

Pinakilala ni David kina Errol sina Catalina at Morgan. "Guys, they'll show you how to fight with your powers." Pagkatapos magsalita ay lumayo si David sa kanila.

"Ready now, Morgie?" Ngumisi ang babaeng boy-cut ang buhok. Nakasuot ito ng gray suit na nagpalabas sa magandang hubog ng pagkababae nito.

Hindi sumagot si Morgan. Ngumiti din ito. Ginalaw-galaw nito ang mga kamay at ulo. Ilang sandali pa ay namuo ang mga boltahe ng kuryente sa kamay niya. Napaatras ito nang sugurin ni Catalina na walang anu-ano'y lumundag sa ere at inundayan ng sipa ang katunggali sa balikat. Napayukod si Morgan na hinawakan ang paa ni Catalina. Akmang ibabalibag nito ang babae nang itukod ng babae ang libreng paa sa kabilang balikat ng lalaki. Sa pag-ikot nito sa ere ay tumama ang paa nito sa baba ni Morgan na natumba sa sahig.

Nag-stretching ng mga kamay, paa, at leeg si Catalina habang bumabangon si Morgan. "Come on! These kids deserve better." Ngumisi ito.

"Guess I can't be gentle with you anymore," saad ni Morgan na mabilis tumakbo. Bago banggain ang sumasalubong na babae ay nag-tumbling si Morgan at umikot sa ere. Tinama nito ang dalawang kamaong binalutan ng kuryente sa magkabilang balikat ni Catalina nang lumapag siya sa sahig na nakayukod. Isang sipa sa tiyan ng babae ang nagpatilapon dito.

Gumulong ang katawan ni Catalina sa dulo ng arena. Pero bumangon lang ito. "That's more like it, Morgie." Muli nitong sinugod ang lalaki, ngunit nangisay ito nang tamaan ng kuryente mula sa mga kamao ng katunggali. "Shit, that was strong."

Lumapit ang lalaki sa babaeng humihinga nang mabilis at nakahawak at nakayukod sa sahig. Tumingala ang babae at lumitaw ang pilyo nitong ngisi. Sinipa nito sa tiyan si Morgan. Habang natutumba ang lalaki ay yumukod ang babae at sinalubong ang katawan nito. Walang anu-ano'y gumulong ito at binalibag ang lalaking dumaing lang sa sahig. Humarap ang babae sa mga tulalang recruits at nagkibit-balikat.

Ngumuso si David sa likod ni Catalina na agad lumingon sa katunggali.

"Lesson number one," saad ni Morgan sa mga recruits, "don't turn your back on your opponent."

"Until you're sure they're down," dugtong ni Catalina na mabilis na ginalaw ang isang paa na tumama sa mukha ni Morgan.

"Landing too many hits, are you now, Kit?" Ngumisi si Morgan habang minamasahe ang pisnging nasipa ng babae. Yumuko ito at binaluktot ang mga magkalayong tuhod habang muling lumipad sa ere ang paa ng katunggali. Agad niyang sinunggaban ang kabilang hita nito at binalibag ang babae sa sahig. Nang muling tumayo ang babae ay isang malakas na bigwas ang tumama sa sikmura nito kasabay ang pagkawala ng mga boltahe sa kamao ni Morgan.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinWhere stories live. Discover now