CHAPTER 32

1.9K 114 11
                                    

(Manila -- January 2018)

"Hindi ko siya nakausap," natatawang saad ni Celia. "May dalawang Amerikanong ahente lang ang pumunta dito sa bahay. Kelan ba 'yon? Mga tatlong buwan na yata. Pasensiya ka na at di ko natext sa iyo."

"Tita, may sinabi ba sila kung nasaan siya?" tanong ni Ivan.

Umiling lang si Celia. "Classified daw. Wala naman akong alam sa classified classified na yan. Sana man lang nagpaalam sa amin si Errol. Hindi naman namin siya pipigilan sa anumang gusto niyang gawin sa buhay niya."

"Baka kasi may masamang..." Hindi tinuloy ni Ivan ang pagsasalita nang makita ang namumuong luha sa mata ng nanay ni Errol.

"Sana man lang tumawag si Errol para naman..." Kumuha si Celia ng tisyu at suminga dito. "Para naman malaman namin na okay lang siya. Minsan hindi rin ako makatulog kasi iniisip ko kung nasaan siya. Kung okay lang ba siya."

Nakayuko lang si Ivan. Hindi na yata mabilang ang ilang beses na sinisi niya ang sarili sa pagkawala ni Errol. Ilang beses siyang naglasing. Ilang beses na rin siyang napresinto dahil sa pag-aamok. Napapabayaan na rin niya ang ilan sa mga negosyo niya dahil sa paghahanap.

Nakailang balik din siya sa Estados Unidos, ngunit wala siyang makuha ni katiting na impormasyon. Ni walang record si Errol na lumapag ito sa bansang iyon, isang bagay na labis na nagpabahala sa kanya.

"Di ba ikakasal ka?"

"Ha, ah..."

"Ba't di mo tinuloy?"

Hindi niya alam kung ano ang isasagot.

"Ituloy mo. Dapat tuloy lang ang buhay."

"Sumusuko na kayo, tita?"

"Hindi naman sa ganon. Pero ayoko na rin umasa. Kung nasaan man siya ngayon sana masaya siya."

Napayakap na lang si Ivan sa humahagulgol na ale. "Wag kayong mag-alala, tita. Kahit maubos ang pera ko hahanapin ko siya."

Umiling si Celia at pinatong ang kanyang mga palad sa balikat ni Ivan. "Tama na. Kelangan na natin magmove on. Kung babalik siya, babalik siya. Bukas lang naman itong bahay."

* * *

Hindi napigilan ni Ivan ang paghimutok sa loob ng kanyang kotse. Hanggang ngayon sinisisi niya ang sarili kung bakit nawala si Errol. Tandang tanda niya pa ang huling beses na nakita niya ito -- sa sala nila kung saan naghahalikan sila ni Felicia.

"Dapat kasi..." Sandaling tumigil sa pagsasalita si Felicia. Inalo niya si Ivan na labis ang lungkot na nararamdaman. "Sabi ko naman kasi, di ba?" Napaigtad na lang ito nang masiko ng lalaki ang manibela.

"Hahanapin ko siya." Kinakalma ni Ivan ang sarili.

"Tutulungan kita. Tapos sasabihin natin sa kanya ha."

"Hindi kasi dapat ganun yun eh." Napasabunot si Ivan sa sarili habang nakatingin sa malayo.

"Naiisip ko rin na tama din si Jansen." Pinunasan ni Felicia ang mga basang mata.

"Gusto ko lang kasi malaman kung ano ba talaga ako sa kanya." Naghimutok ang binatang napayuko. "Mahal ko yun eh," mahina niyang saad.

Tumatango si Felicia na nakatingin sa kanya.

"Sana mapatawad niya pa ako." Suminghot si Ivan habang pinapatong ang siko sa gilid ng bintana ng kanyang kotse at pinatong ang kanyang baba sa kanyang kamao. Tumingin din siya sa labas. "Ilang beses ko na siyang nasaktan. Ilang beses na."

"Paano natin sasabihin sa kanya pag nahanap na natin siya?"

Ang totoo ay hindi alam ni Ivan kung paano sasagutin ang tanong. Paano nga ba siya haharap kay Errol? Ano ang sasabihin niya kung sakaling magkita silang muli? "Bahala na."

Pinaandar na ni Ivan ang kotse. Tahimik ang loob ng kotseng iyon hanggang makarating sila ng US Embassy. Sa loob ay muling nagtanong si Ivan kung may record na sila ng taong nagngangalang Errol James Santiago.

"I'm sorry, but he really doesn't exist in our system," sagot ng officer na kumausap sa kanila.

"But we received information that he's in the United States," iritang saad ni Ivan.

"I'm sorry, but his name doesn't even appear anywhere," saad ng nakasalaming officer.

"What do you mean he's not there?"

"Sir, it means he never set foot in the United States."

Lumabas sila ng embahada na dismayado. "Balik ba tayo ng DFA?" tanong ni Felicia. "Malapit lang naman."

Umiling si Ivan. "Gusto ko magpahangin."

Enchanted Series 3: The Darkness WithinWhere stories live. Discover now