CHAPTER 31

2K 111 5
                                    


"I heard about what happened," saad ni Dane na naglalakad sa lobby kasama si Errol na bahagyang ngumiti.

"I just panicked a bit. David was being too hard on me."

"David can be an asshole." Tumawa si Dane. "But, you know what, we face serious threats on our missions, and you have to be always prepared for brute attacks."

Tumango si Errol. "Sounds like fun."

"Really?" nagtatakang tanong ni Dane. Nitong huli ay nagtataka na siya sa ikinikilos ni Errol, ngunit dahil hindi niya naman talaga ito kilala ito bago nila ito makuha mula sa Pilipinas ay pinagsawalang bahala na lang niya ang kanyang duda.

"Can't wait to kill somebody."

Natigilan si Dane. Hinawakan nito ang balikat ni Errol. "Our job is not to kill people."

"I thought so." Bahagyang ngumisi si Errol, ngising di kita ang ngipin, isang ekspresyong nagpabagabag sa kausap.

"Are you okay?" Humarang si Dane sa harap ni Errol.

"Don't I look okay?"

"You seem a little too odd lately." Hinawakan niya ang isang balikat nito.

"I'm always odd."

Dahil sa matatalim na titig na iyon ay nais pasukin ni Dane ang diwa nito. Ngunit muli niyang pinigilan ang sarili. "I can read your mind to find out if something's wrong, but I don't want to."

"You're not supposed to step into other people's territories." Hinawakan nito ang kamay ni Dane na nasa balikat.

"I know." Taimtim na nakatitig si Dane dito. Napagtanto niyang maaaring masyado lang stressed out ito sa training.

"I want you to know I'm really thankful for what you and David did to me back there in my country." Naging malumanay ang boses ni Errol.

Ngumiti si Dane at tumango. "We did what we had to do." Bumuntong-hininga siya. "I'm just wondering if all the training is too hard on you."

Umiling si Errol. "I'm enjoying it."

"Not everyone is enjoying it." Binulsa ni Dane ang mga kamay. "More than half of our recruits leave this place" -- ginala niya ang tingin sa paligid -- "after a month or two."

"That's why there's a few of us left."

"Some of them get badly injured and never want to go back. Some miss their families terribly. Others just don't like this whole shit."

"Why have you and David stuck around?"

Matagal nakasagot si Dane. "It's job for us. It's no nine-to-five, but it puts money in the bank." Hindi niya man aminin, ngunit nahihiya siya sa sagot. Nahihiya siyang ang tanging nagpapatigil sa kanya sa ISA ay pera. "Yes," saad niya habang iniiwasan ang titig ni Errol, "it's all about money." Kumupas ang kanyang boses.

"I see. I'm not doing this for money."

Napalingon si Dane sa kausap. Ang mga matang iyon na nakatitig sa kanya ay naglalabas ng kakaibang awra. Walang ekspresyon ang mga ito. Walang bahid ng emosyon. Ngunit ayaw niya pa ring alamin kung ano'ng sikolohikal na dahilan ng kawalan ng emosyon ng taong kausap. Hindi tama. Sa tuwing natutukso siyang pasukin ang utak nito ay lumalakas ang boses sa loob niya na nagsasabing hindi tama ang gagawin.

"What's wrong?" Winagayway ni Errol ang palad sa harap niya.

Napaigtad si Dane. Oo nga pala. Nag-uusap nga pala sila. "I'm just really concerned about you because you act so strange."

"Don't mind me."

Hinawakan niyang muli sa balikat si Errol. "You have to tell me if something's bothering you. I may be able to help." Bakas sa mukha ni Dane ang tunay na pag-aalala.

Tumango si Errol. "Nothing to worry about."

"If you're tired or anything, you have to tell me or David. Don't be too hard on yourself."

Tumango ulit si Errol.

"Bas-tuh ow-kehy kuh lung huh?"

Ngumiti si Errol.

"Did I say that right?" tanong ng nakangiting si Dane. "I learned that on the Internet."

"Sounds all right to me."

Napakunot ang noo ni Dane sa titig ni Errol. "Do I have dirt on my face?"

"I just realized, gwapo ka pala." Ngumisi si Errol, ngunit blanko pa rin ang kanyang titig.

"Gwapo? That's Filipino for handsome, right?" Uminit ang pisngi ni Dane na napakurot sa baba ni Errol. Bago pa man makapagsalita ay naramdaman niyang may humampas sa kanyang pwet.

"Handsome? I'm hotter than him." Umakbay si David kay Dane sabay halik sa pisngi niya.

"What're you doing here?" kunot-noong tanong ni Dane.

"That guy" -- turo nito kay Errol -- "is my trainee."

"You're not training today."

Sumimangot si David. "What!"

"We're going on a joyride. My car!" bulalas ni Dane.

"Joyride in the desert?" Naglakad si David patungo sa bintana, tinuro ang malawak na desyertong nasa labas ng gusali.

"Let's take Errol somewhere." Umakbay si Dane kay Errol.

"Hey! Get your hands off him." Tinanggal ni David ang kamay ni Dane kay Errol at kinausap ang huli. "You stay away from him," nakangisi niyang saad.

Inangat lang ni Errol ang mga kamay at nagkibit-balikat. "Okay."

"Maybe you can hook up with Kyle." Tinapik ni David si Errol. "That guy seriously needs to get laid."

Habang naghaharutan sila ni David ay panay ang sulyap ni Dane sa walang imik na si Errol. Hindi niya alam kung nabuburyong ito o naasiwa sa kanilang kilos o kung ano. Pero hinayaan niya na lang. Sa tingin niya ay iyon ang gusto nito, ang hayaan siya sa katahimikan.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu