Thank you, guys!

1.9K 116 80
                                    

That's it! What a journey! 

I don't know what to say. I feel relieved that finally iiwanan ko na ang draft ng TDW na ilang buwan ko ring binubutingting. So far siya ang pinakamahirap na nasulat ko dahil ang daming kailangang i-settle, ang daming loose ends na kailangan i-tie up. Kung titingnan niyo ang plano niya, sobrang gulo, at maraming nasa plano na hindi ko sinunod. 

But I love writing it. I spent six months finishing the manuscript. In contrast, I spent roughly that amount of time writing both books 1 and 2, kasama na ang The Mind Bender. What made Book 3 exceptionally difficult was because it was bigger, mas maraming characters involved, mas maraming points of view. Mas maraming kaaway, at mas tuso ang mga kaaway. Masakit sa ulo minsan yung pagpaplano kung paano yung complex interplay ng mga factors na yun. But it was all worth it, lalo na kapag nababasa ko yung reactions ninyo. Kapag kahit na may isang reader na nakuha niya yung emosyon na gusto kong ipabatid, natutuwa na ako. 

In the coming months, baka tingnan ko siya ulit. At maaring buntingtingin ko na naman. Siguro may mga babaguhin ako kaunti. Siguro magdadagdag ako ng scenes o magtatanggal, gaya ng ginawa ko na sa book 1 at book 2. But the major plot points will remain. 

Hindi ko pa natatapos ang book 4, pero sa tantiya ko ay nasa 2/3 na siya. Ang target word count ko for it is 60k words, so it's half the length of any of the previous books, including this one. Ang book 4 ay walang matinding narrative arc, walang psychotic and dark villains. It's a combination of the Rol-Van love affair, haha, and the ramifications of the devastation of a huge part of Manila. Sa book na ito babawi ako sa lahat ng pambibitin ko sa inyo in the past 3 books. Ang mga eksenang naudlot, mga landiang nauwi lang sa pagkabitin ay itutuloy natin sa book 4. At kung graphic ang battle scenes ay nararapat lamang na graphic din ang mga rrrrawwwr scenes. Hahaha

Sa October ko na uumpisahan ang posting ng book 4. Ang gusto ko talaga ay matapos muna siya bago ako magpost.

Anyway, guys, maraming salamat sa mga nagbasa, lalong-lalo na sa mga nagvovote, at mas lalo na sa mga nag-iiwan ng comments. The comments are really what I look forward to seeing every time I post a chapter. Kahit kauntilang yung mga nagko-comment ramdam ko pa rin that somehow there are people who appreciate my work. 

Kaway kaway din kayong mga silent readers. Sometimes I ask myself, "is my story so terrible or boring that the readers don't say anything about it?" Pero naisip ko rin, the Enchanted Series comprise, as of now, three long books. I'm comforted by the thought that these silent readers would not have stuck around if these stories were terrible. Kaya salamat din sa inyo. 

Muli, salamat sa inyo. Sana kahit paano ay natulungan ko kayong panandaliang takasan ang totoong mundo at maranasan ang makulay na buhay ng ating mga bida. 

Abangan muli sina Errol at Ivan sa susunod na libro.  

Sa mga na-inspire at nag-enjoy sa story, thank you. Sa mga nagbabahagi ng kind words of appreciation, thank you. Sa mga nabwisit sa kwento, salamat pa rin. Sa mga tumigil sa pagbabasa, salamat at pasensiya kung hindi umayon ang kwento sa gusto ninyo. Sa mga na-inspire na magsulat, I encourage you to write. Masarap magsulat ng kwento.

Anyway, at this point, you can consider the series done. Bonus na lang kasi ang Book 4, which is wildly erotic and may not fit your taste if you're conservative or I don't know. Read that book if you may at your own risk. 

Mabuhay kayong lahat! 

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon