CHAPTER 46

2K 114 21
                                    

ARAW na ng sweldo! Paburger naman kayo diyan! Ang luma ng hirit ko. Hahaha!

------------------

Malamlam ang paligid. Walang sigla ang lugar. Walang tao sa paaralang kinaroroonan ni Errol. Hindi niya ito memorya, dahil hindi pamilyar sa kanya ang pook. Binulsa niya ang mga kamay. Kailangan niyang akyatin ang hagdan upang malaman ang ihahatid na mensahe ng bagong pangitain, kung pangitain nga ba ito. Walang mga mag-aaral. Walang mga guro. Walang kahit na sino. Matamlay ang paligid. Ni hangin ay hindi gumagalaw. Tanging mga yapak niya sa semento sa ikalawang baitang ng gusali ang dinig niya. Sarado ang mga pintuan ng mga silid maliban sa isa. Pumasok siya dito. Sa sulok ay naupo siya.

Unti-unting nagkakulay ang paligid. Unti-unting lumakas ang mga boses na galing sa labas, mga ingay ng mga estudyanteng isa-isang pumasok sa silid. Ilang sandali pa ay napuno ang silid. Dinig niya ang mga tsismisan. Kita niya ang mga kabataang ginugol ang mga minuto sa pagtingin sa kanilang mga telepono. Ang iba ay kumukuha ng mga sariling larawan. Ang ilan ay tahimik lang.

Ngumiti siya nang pumasok ang lalaking nakauniporme. Hindi na ito nakasalamin. Nilapag nito ang maitim na bag sa mesa. Bahagya itong ngumiti sa mga mag-aaral na nagsipagtahimik. Kinuha niya ang libro mula sa bag at binuklat ito sa isang pahina.

"Sir," saad ng isang estudyante na nakataas ang kamay.

"Yes?"

"Do you believe in demonic possession?"

Mukhang natigilan si Jansen. Matagal siyang tumitig sa babaeng nagtanong. Ginala niya ang tingin sa mga nasa silid. "It's a controversial issue among psychologists and psychiatrists. To put it simply, we don't have empirical evidence for demonic possessions."

"Pero, sir," muling saad ng estudyante, "hindi ba marami ng kaso? Ang iba nga ini-exorcise pa ng mga pari."

"We call them anecdotal accounts. Karamihan sa mga kaso ay hindi talaga naiimbestigahan o nagagawan ng sapat na medical diagnosis."

"So, sir, paano yun? They were just faking it?"

"Maybe. Maybe not. As I've mentioned it's a controversial topic. Science hasn't yet found evidence for demons. So it's illogical to think of demonic possessions as true."

"So ano'ng cause nun, sir?"

"The symptoms of" -- sumenyas si Jansen ng quotation marks -- "demonic possession? They could be symptoms of any of the many psychiatric problems. These symptoms mimic those of severe cases of psychosis, schizophrenia, or dissociative identity disorder."

"Kasi, sir, may kapitbahay kami napossess daw. Parang may ibang ibang presence daw na dumapo sa kanya."

Ngumisi si Jansen. "Actually, yang feeling na may dumapo sa iyong ibang presence ay hallmark ng maraming mental illnesses."

Nagtawanan ang mga estudyante.

"Yan yung parang feeling mo may ibang tao sa loob mo at di mo siya makontrol o kaya naman ikaw ang kinukontrol nito. Marami diyan ginagawa pa yang dahilan para lang matakasan ang krimen sa korte."

"Kung hindi totoo, bakit nagagamot ng pari?"

"My short answer is, I don't know. They could be faking it. Who knows? For publicity? The longer answer has something to do with the limitations of our knowledge in psychiatric conditions and the limitations of psychotherapy. You see, medical science doesn't do miracles. In fact, pinag-aaralan na ang approaches ng mga exorcists in treating demonic possessions. Baka naman kasi may mga methods silang pwedeng i-apply sa psychotherapy."

"Ano'ng possible causes, sir?"

"Tulad ng maraming kaso ng mental illnesses, maraming pwedeng sanhi, environmental, psychological, biological factors. It could be genetics. It could be prenatal defect sa utak. Pwedeng physical abuse experienced as a child. Trauma."

"What kind of trauma, sir?"

"Emotional or physical."

Natigilan si Errol na nakikinig. Napaisip siya.

"Paano, sir?"

"Halimbawa in the case of dissociative identity disorder. May mga pag-aaral na nagsasaad na ito ay bunga ng trauma. How do I explain this in a way na maiintindihan ninyo? Siguro ganito. Ang dissociation kasi ay isang defense mechanism ng utak natin to protect our ego from frustration or anxiety. Non-pathological dissociation actually helps us function during times of calamities or accidents. Yung halimbawa nakita mo ang boyfriend mo duguan, instead na magpanic ka, nilalagay muna ng utak mo sa isang compartment ang panic, para makafunction ka, makatawag ka ng tulong. Pero minsan sumusobra ang mechanism na ito at nagiging pathological na. Doon na siya nagiging dissociative identity disorder. Yun bang nagkakaroon ka ng isang identity na iba sa dati mong identity, and you don't even realize it. The new identity has its own personality, its own memories. It assumes life of its own."

"Paano ba maiiwasan yan, sir?"

"Kung ikaw ay dumaan sa matinding trauma, kung naabuso ka, kung namatayan ka, o iniwan ng syota o asawa" -- tumigil siya nang nagtawanan ang mga mag-aaral -- "you should have a support group. Talk to someone you trust about your feelings of sadness or frustration. Importante kasi na may nahihingahan ka para marelease ng utak mo yung stress. Pero kung sa tingin mo ay hindi nakakatulong, you have to seek psychiatric intervention. Ang problema may stigma kasi sa atin ang pagpapatingin sa isang psychiatrist. Maraming hindi pumupunta ng psychiatrist kasi natatakot na pagtawanan ng mga kakilala. Yung iba naman in denial sila na may existing problem sa kanila. Kaya maraming kaso ng mental illnesses ang hindi natitingnan o nagagamot."

"Minsan kasi sobra na yung hirap na nararamdaman mo kaya mas gusto mo na lang na sumuko sa inner demons mo," bulong ni Errol sa sarili.

"Minsan kasi sobra na yung hirap na nararamdaman mo kaya mas gusto mo na lang na sumuko sa inner demons mo," saad ng estudyante sa tabi ni Errol. Lumingon ang lahat dito, maging si Errol na nagtataka.

"Yes?" tanong ni Jansen dito.

"Wa-wala, sir. Parang may bumulong lang sa akin."

"Baka sinasapian ka na," saad ng isang estudyante. Nagtawanan ang klase.

Muling dumilim ang paligid.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinWhere stories live. Discover now