CHAPTER 52

1.8K 110 4
                                    


Nagtama ang dalawang bote ng alak na tinungga rin ng dalawang lalaki sa isang bar. Ang mga tao ay nakajacket. Ang ilan ay nakayuko habang hawak ang mga braso o kaya naman ay nakatiklop ang mga bisig sa kanilang harapan at nakabako. Ang ilan ay kinikiskis ang mga palad.

"Boss, may problema ba kayo ni Felicia?" tanong ng lalaking makapal ang jacket at naka-knit cap.

Tumungga muli si Ivan.

"Hindi ka naman madalas magyaya ng inuman, pero oks na rin 'to. Lamig kasi."

"Pinatay nga daw nila ang air-con kasi sobrang lamig na. 17 degrees lang yata sa labas."

"Iba na itong nangyayari. Akala ko ba global warming. Bakit malamig?"

"Tigas nga ng itlog ko, eh." Ngumisi si Ivan. Maikling tawa naman ang sagot ni Clark na hindi naman niya nilingon. Hindi niya rin naman alam ang dahilan nitong lahat. Si Errol malamang alam niya. Sumagi na naman si Errol sa wisyo niya. Lagi naman. "Clark," saad niya, "may itatanong ako."

"Ano, boss?"

"May karanasan ka na ba sa bakla?" Lumingon si Ivan sa kanya.

Natawa ni Clark. Tumungga ito ng alak at muling tumawa. "Oo."

"Ba't ka natawa?" tanong ni Ivan na napangisi.

"Wala, boss. Nabigla lang ako sa tanong mo." Lumingon ito sa kanya.

"Ano'ng klaseng karanasan?"

"Ba't niyo tinatanong, boss?" Ngumisi ito.

Umiba ng tingin si Ivan. "Gusto ko lang malaman."

"H'wag niyong sabihin na... Bossing ha."

Siniko ito ni Ivan. "Ulol!"

"Naniniguro lang."

"Gago!" Tumawa si Ivan at muling tumungga. "So ano ngang karanasan?"

"Syempre, chupa, kantot." Muling natawa ito. "Bakit, boss? Gusto mo mamakla?"

Napayuko si Ivan. "Ano feeling?"

"Feeling ng?" nakangising tanong ni Clark.

"Na machupa ng bading."

"Masarap. Iba chumupa ang lalaki, may gigil." Tumawa itong muli.

Natawa rin si Ivan. "Mas masarap ba kantutin ang bakla kesa babae?"

"Hindi naman sa ganyan. Magkaiba eh."

"Pa'no?"

Lumapit si Clark kay Ivan at mahinang sumagot. "Ganito kasi, boss. Kapag sa babae, iyong puke ng babae" -- pinabilog nito ang isang kamay at pinasok ang isang daliri sa bilog -- "parang niyayakap iyong kabuuan ng burat mo."

"Alam ko," tugon ni Ivan. "Pa'no ba pag sa bakla?"

"Syempre, walang puke ang bakla, so sa pwet mo titirahin."

"Gago! Alam ko!" Tinama ni Ivan ang bote ng alak sa mesa.

"Oo, heto na nga, bossing." Mas hinigpitan ni Clark ang pag-ipit sa daliri. "Iyong pwet kasi mas masikip ang pwerta, so parang sinasakal ang burat mo. Parehong masarap sa magkaibang paraan." Humagalpak ito sa katatawa.

"Ba't ka natatawa?"

"Wala lang. Nakakatawa kasi ipaliwanag. Wala ka bang karanasan sa bakla, boss?"

Umiling si Ivan.

"Gusto mo ba maranasan bago ka ikasal?"

Hindi makasagot si Ivan.

"Bakit, boss, di ka ba makascore sa mapapangasawa mo?" Tumawa si Clark.

"Gago, di ganyan." Kinuha ni Ivan ang isang bote ng alak mula sa maliit na timba na puno ng yelo, binuksan ito, at tumungga.

"Okay lang naman iyon. Maraming lalaki nagpapachupa sa bakla, kumakantot ng bakla kasi curious, gusto kumita, o gusto magparaos. Normal lang yan sa mga lalaki. Di ko naman kinakaila."

Hindi tumugon si Ivan. Napadalas lang ang kanyang pagtungga.

"Gusto mo maranasan, boss?" Ngumisi si Clark. "Malamig ngayon. Masarap magpainit."

"Gago, di ba may syota ka?"

"Hindi naman ito pagtataksil. Paraos lang. Ano, boss? Mamakla tayo ngayon?" Ginala ni Clark ang tingin sa loob ng mataong silid. "Dami dito, o. T'saka, yang itsura niyo, benta yan."

"Tang ina, Clark, magjakol ka na lang. Libog mo pala'ng tang ina ka." Tumunggang muli si Ivan.

"Nagtatanong ka kasi, boss. Akala ko interesado ka." Marahang siniko ni Clark si Ivan.

"Bakit?" Lumingon si Ivan dito.

"Tingin kayo sa kaliwa niyo."

Lumingin din si Ivan sa kaliwa gaya ng sabi ni Clark. Nagtama ang tingin nila ng isang lalaki na biglang ngumiti at kumindat sa kanya. Ngumiti nang hilaw si Ivan dito at umiwas nang tingin. Nang tingnan niya itong muli ay nakatitig pa rin ito sa kanya. Naasiwa siya at hindi na lumingon.

"Kanina ko pa napapansin nakatingin yan dito."

"Gago," bulong niya sa kasama, "ikaw na lang. Baka trip mo."

"Mas malaki pa sa'kin yan, boss. 'Yoko diyan."

"Di na. Muntik na akong madisgrasya nung isang beses."

"Ano, boss?"

"Wala."

"Teka, boss. Hindi naman sa nanghihimasok ako sa personal niyong buhay. Pero tuloy pa ba kasal niyo ni Felicia?"

"Clark," saad ni Ivan matapos tumahimik nang matagal, "may ipagtatapat ako, pero atin-atin lang muna ha."

"Mukhang seryoso yan, boss. Magdadagdag ba tayo ng alak?"

"Hindi na ako ikakasal."

"Talaga, boss?"

"May iba kasi akong mahal."

"Seryoso?"

Tumango si Ivan.

"Teka, wala ka namang binabanggit na may gusto kang ibang babae, bossing, ah."

Marahil dahil sa tama sa alak ay hindi na tinablan ng hiya si Ivan at kinuwento na niya ang tunay na dahilan sa kausap, katiwala, at kaibigan. Mahaba ang masinsinang usapan na humihinto paminsan-minsan sa pigil at saliwang tawa o pagsinghot. Batid niyang nabigla ang kausap sa kanyang mga nasambit, ngunit ganoon pa man ay gumaan kahit papaano ang kanyang pakiramdam.

"Boss," saad ni Clark na napaakbay kay Ivan, "bilib ako sa'yo. Gusto ko lang malaman niyo na kahit hindi ko inaasahan ang mga narinig ko, suportado ko kayo."

"Salamat, Clark." Tinapik ni Ivan ang likod ng kausap at tumungga muli ng alak.

----------

Kung may mapansin kayong hindi akma o detalyeng hindi tugma sa mga naunang detalye ng kwento, sabihan niyo ako para matingnan ko kaagad. Salamat. 

Enchanted Series 3: The Darkness WithinWhere stories live. Discover now