CHAPTER 24

2.4K 123 12
                                    


Habang nasa eroplano ang tatlo patungog Estados Unidos ay hindi mapigilan ni Errol na tanawin ang himpapawid. Iyon ang unang beses na nakasakay siya ng eroplano at gising siya upang tingnan ang mga ulap at karagatan. Pinayapa niya ang kanyang kalooban. Hindi na sumagi sa isipan ang mga naiwang kakilala at pamilya sa Pilipinas. Kung bakit siya aalis kasama ang dalawa ay, oo nga pala, hindi pa niya naitatanong.

Hinayaan na lang niyang tangayin siya ng mga bagong kakilala kung saang lupalop man. Hindi na siya nagtanong. Wala siyang pakialam. Sa tingin niya mainam na umalis siya sa Pilipinas. Mainam na takasan ang lugar na iyon sa ngayon. Nararamdaman niyang may mahalagang papel ang dalawang lalaki sa kung anumang magaganap sa hinaharap.

"You can take a nap if you're drowsy." Ngumiti si Dane sa kanya.

"I'm fine," maikli niyang tugon.

"If you need anything --"

"Don't worry about me." Ngumiti siya nang bahagya. Nakita niyang natigilan si Dane at ngumiti na rin. Tanaw niya ang umiidlip na si David. Tahimik na nakatingin sa labas si Errol. Dinadama niya ang kapayapaang bunga ng pagiging nasa himpapawid.

Matapos ang mahabang byahe sa wakas ay lumapag na sila sa Reno-Tahoe airport. Ibang-iba ang paligid. Wala siyang makitang parte ng lugar na pamilyar. Sumilip siya sa bintana at tanging tigang na mga burol ang tanaw niya.

"Wear this." Inabot sa kanya ni Dane ang isang makapal na jacket. "It's 55 degrees outside."

Habang sinusuot ni Errol ang jacket ay nagsimula ng magbabaan ang mga pasahero. Bumaba na rin sila bitbit ang kanilang mga gamit. Siya yata ang pinakamaraming dala. Ang dala lang ng dalawa ay backpacks. "Where do we go next?"

"To a boring place," sagot ni David.

"It's not exactly boring." Umirap si Dane.

"Where is it?" kalmadong tanong ni Errol.

"About 4 hours away," sagot ni David.

"Where exactly?" tanong ulit ng tanging Pinoy sa byaheng iyon.

"Even if I told you, I don't think you know the place." Sumimangot si David.

Tinapik naman ni Dane ang kasama. "Hey, lighten up." Pagkatapos ay sinagot nito si Errol. "It's a remote facility. It's where we work."

"Okay," maikling sagot ni Errol. Sa totoo lang wala siyang pakialam kung saan siya dalhin ng mga kasama. Ni hindi na niya natawagan ang mga magulang.

Tumigil ang isang kotse sa harap nila. Nang buksan ni David ang pinto sa harap at makita kung sino ang nagmamaneho ay agad niyang sinarado ito at marahas na binuksan ang nasa likod na pinto.

"What's wrong with him?" tanong ni Errol kay Dane.

"PMS." Ngumisi si Dane.

Walang reaksiyon si Errol sa sinabing iyon ni Dane na kinuha ang mga gamit nila at nilagay sa likod ng kotse.

"Is it all right if you sit in front?"

Tumango si Errol at binuksan na ang pinto. Ngumiti sa kanya ang gwapong binata. Nang makapwesto ay pinakilala siya sa nagmamaneho ng kakapasok na si Dane.

"Errol, that's Kyle."

Tinanggap niya ang kamay ng nagmamaneho na ngumingiti habang kinakamayan siya. Bahagyang ngiti lang ang sinukli niya dito bago umiba ng tingin.

"Can you just fly this car?"

Lumingon si Kyle sa pinanggalingan ng iritableng boses. Galing iyon kay David na nakasimangot habang nakatingin sa labas ng kotse. Tinitigan ito ni Dane na may inis sa mukha. Iniba na rin niya ang tingin matapos maramdaman ang pag-andar ng kanilang sasakyan.

Enchanted Series 3: The Darkness WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon