Chapter 10

74.1K 1.2K 142
                                    

Ito na ang update para bukas kasi busy na ako mula bukas hanggang monday.

Chapter 10

After nung scene sa CR, hinayaan na nga niyang akong manligaw sa kanya. 2 months na din simula nung Chapter 9. Kaya tinutukso kami sa classroom at natutuwa ako tuwing tunutukso kami kasi namumula talaga siya. Ang cute cute lang. Tuwing namumula siya gustong gusto kong pisilin ang pisngi niya.Kakagigil.

"Hoy Charm! Bakit hindi mo pinapansin si Heinz?" Sigaw ni Mike kay Charm. For sure magkukulitan na naman ang mga yan. Palagi na lang. Kung hindi ko lang alam na may ibang gusto si Mike baka magselos na ako

"Hindi ba? Magtigil ka nga Chael." Napatingin pa siya sa akin nung sinabi niya yun? Ewan ko ba sa babaing yan. Kahit alam ko naman nagsuto niya ako ayaw pa akong sagutin at may mga araw pang hindi ako kinakausap tapos ang sungit sungit. Pero sabi ni Mommy, minsan daw  ganun talaga ang mga babae lalo na kung meron. Haysss....

"Eh kasi kanina pa sulyap ng sulyap sayo si Heinz. Ni hindi mo tinitingnan." Gago talaga tong si Mike. Wala atang magawa at ako na naman ang pinagttripan. Tumingin naman si Charm sa akin na nakataas ang kilay.  Ngumiti lang ako sa kanya.

"Ay sheet! Ang sweet lang.  Sagutin mo na kasi yan Charm." Tukso pa ni Mike.

"Mamaya..." Tipid niyang sabi kaya napatingin kaming dalawa ni Mike sa kanya. Mamaya? Mamaya na niya ako sasagutin?

"Mamaya?" Sabay naming sinabi ni Mike. Kinakabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko.  Totoo? Sasagutin na niya ako mamaya?

"Mamaya..ang submission ng project natin di ba??" Nakangiti pa niya sabi sa amin. Yung nakakalokong ngiti niya. Yung ngiting nakaisa. Kaya biglang tumawa ng malakas itong si Mike.

"Nice one Charm. Heinz.. kung nakita mo lang sana ang itsura mo kanina. Wahahahaha." Napasimangot ako. Bigla akong nabadtrip. Kaya tumayo ako sa upuan ko at lumabas ng pinto. 

"Hala Charm nagalit na." Narinig ko pang sabi ni Mike bago nung nagwalk out ako.

"Hayaan mo siya. Malaki na siya kaya na niya yan." Sabi pa ni Charm bago ako makalabas ng room. Kabadtrip lang. Anlakas ng trip.  Pumunta na lang ako sa SG Office pampaalis ng badtrip. Gusto ba niya talaga ako? Baka guni guni ko lang ang narinig ko nun sa CR?

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon