Chapter 46

2.9K 35 10
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

* The truth upon breaking up. * 

-Ara's Point of View-

"WAAA!" Halos mapasigaw ako sa nakita ko sa salamin. Who the hell is this person?

"Huy! Why are you screaming ba?" tanong ni Mika na naliligo na.

"Tignan mo nga kasi yung mukha ko! Ang panget ko! Para akong zombie!" sabi ko sa kanya. Eeh. Ang panget ko super! Mugtong mugto yung mga mata ko at sobrang buhaghag yung buhok ko. Ugh.

"Eh sa kai-iyak mo ba naman kasi? Haha." sabi niya habang natatawa. Inirapan ko lang siya kahit na hindi niya ito nakikita. Sarap hambalusin. What a supportive friend! Sandali akong tumahimik para tignan ko ulit yung mukha ko at isa lang ang masasabi ko.

Ang panget ko talaga!

"Oy, natatakot ako sa'yo, ah? Bakit hindi ka nagsasalita? Baka nagsu-suicide ka na jan ha?" sunod sunod na tanong niya.

Tumahimik lang ako ulit para mapilitan siyang lumabas ng banyo. Mehehe. Sige lang Mika.

"U-uy? Huwag mo akong pinaglololoko ha, Victonara? Sasapakin kita." sabi niya. Habang ako nama'y hindi pa rin nagsasalita at umupo lang sa upuan. Haha.

"A-ara! Magsalita ka nga!" sigaw nito sa banyo. Hinulog ko yung baso na plastic. Haha.

"U-uy, Ara ano ba! Wag kang ganyan!" pagkasabing pagkasabi niya nun ay agad agad siyang lumabas mula sa banyo at halos matawa ako sa reaksiyon ng mukha niya!

"Hahahahaha."

"Buwesit ka, Ara! Akala ko ano na yung nahulog. Urgh!" sigaw niya sa akin.

"Ang bagal mo naman kasi eh! Kaya ayan, naghahanap lang ako ng paraan para lumabas ka na diyan." kaswal na sabi ko sa kanya.

"Nakakainis ka talaga! Oh sige na! Ikaw na." sabi niya ng nangagaliti.

"Dapat lang noh. Hmp." sabi ko sa kanya at dumiretso sa banyo.

"Bleh! Ang pangit mo!" lait niya sa akin at tumakbo papunta sa kuwarto.

=___=

Oo na, panget na ako.

--

MATAPOS kung maligo ay ready na kami para umalis. Hinihintay ko na lang si Mika na kanina pa nagpapaganda. Bwesit talaga yun! Kaya ko nga siya pinaunang magbihis para makapunta na kami agad pero anong nangyari?

Pagkalabas niya ay tinaasan ko agad siya ng kilay.

"Oh? Ang bilis mo talaga! Sobraaa!" sarkastikong sabi ko sa kanya. "Bakit ka ba nagpapaganda ha? At para kanino ka ba nagpapaganda?" tanong ko sa kanya.

"Sus, 'to naman, atat makita si Myco eh." sabi niya with that annoying smile. "Tsaka wala noh. Gusto ko lang magpaganda, bakit?" dagdag pa niya.

"Sus, kunyare ka pa, para kay Jeron na naman 'yan noh? Yieee!" loko ko sa kanya.

"Inggit ka lang eh. Palibhasa kasi hindi ka maganda, bleh!" sabi niya sabay labas ng dila.

Aba'y aba? Edi siya na! Siya na ang maganda!

"Oo na! Panget na ako! Ikaw na ang maganda!" naiinis kong sabi ko sa kanya at nilayasan siya.

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon