Chapter 30

3.6K 48 19
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

* Lunchbox. * 

Ara

>___< Sumasakit na ulo ko sa kai-isip kung sino man 'tong kumag na 'to! Ang sarap chop-chopin at itapon sa ilog Pasig. Pero joke lang 'yun. Makulong pa ako dahil dun eh. I don't wanna spend my life sa kulongan noh.

Tsaka isa rin 'yang si Thomas! Hindi ako nakatulog dahil kili-- nevermind.

Papalabas na ako ng gate para pumunta na sa klase ko ng biglang

"GOOD MORNING BABE" sabi ni Thomas sabay yakap sa akin. Nagulat naman ako kasi sino ba naman ang hindi magugulat kung bigla ka na lang yayakapin diba.

Pilit kung ina-alis 'yung pagkakayakap niya sa akin "Wait, wait ba't ka andito?" tanong ko sa kanya. Eh pano ba naman umagang umaga eh nambubulabog?

"Ah, so ganyanan na ah? Parang wala tayong pinagsamahan?" sabi nito na nakasimangot at naglakad palayo.

"Uy sorry na! Uy!" sigaw ko sa kanya pero di pa rin siya bumabalik. Pssh. Nakakainis naman eh.

Hinabol ko siya at yinakap din mula sa likod. "Uy sorry na." sabi ko sa kanya. Inalis naman niya ang pagkaka-yakap ko at humarap sa akin "Mehe! Sabi ko na eh! Di mo ako matitiis."

"Sige maglandian pa! Male-late na po tayo!" sigaw ni Mika habang sinasara 'yung gate.

=___= Leche. Ewan ko kung paano ko 'yan naging bestfriend eh.

"Haha. Hayaan mo na siya Ara! Inggit lang 'yan!" sabi naman ni Kimmy.

"Uy! Inggit ka diyan!" sabi naman ni Mika "Bakit naman ako maiingit? Aber?" dagdag pa nito.

"Kasi wala si ..."

"Sige ituloy mo!" sabi ni Mika sabay pakita na kamao niya.

"Kasi wala si JERON! Haha." sigaw ko naman sa kanya. Lumingon siya sa akin ng nanlilisik 'yung mga mata.

"Waa! Thomas! Help!" sabi ko naman kay Thomas. Tumakbo si Mika papunta sa akin at tumakbo na rin ako!

RUN FOR YOUR LIVES!

 --

Hayy! Buti na lang may 1 hour break pa akong natitira bago mag 11! Naglakad na ako papuntang Cafeteria. Nag-order na ako ng makakain at humanap ng mau-upuan.

"Hi, babe!" lintek! Ano ba 'yan! Halos mabilaukan ako!

"Ano ba! Huwag ka ngang nang-gugulo jan!" awat ko sa kanya. Binilisan ko ang pagkain.

10:30 pa lang! hayy! Maka-tulog nga.

"Uy! *sundot sa tagiliran* Uy!"

"Shh! Gusto kong matulog. Five minutes pwede?" tumigil naman siya sa pang-ngungulit sa akin pero matapos ang five minutes eh nangngungulit na naman siya.

"Uy! Gising na!"


"Uy maglaro tayo!"


"Ara! Gising!"

Hindi ko muna pinapansin si Thomas dahil lutang na lutang ang utak ko at ina-antok na ako ng sobra. Hayy. Sana naman matahimik na ang isang to sa kagugulo.

Yugyog. Sundot. Kiliti

Buwesit! >___<

"NAKNAMPUCHA NAMAN OH?! ANTOK NA ANTOK AKO DAHIL SA KAIISIP SAYO KAGABI! PATULUGIN MO NGA AKO!" sigaw ko sa kanya.

Napatingin sa amin 'yung mga tao sa cafeteria habang si Thomas naman ay abot ngiti.

"Is that so? Hindi mo naman kasi sinabi ng maaga eh. Sige na, pwede ka na ulit matulog. I love you."

Naghiyawan ang mga tao dun sa Cafeteria. Anak ng Tofu. Nasabi ko ba talaga 'yun? =___=

--

"Ibigay mo na kasi sa kanya. Ang bagal mo eh." sabi ni Mika sa akin habang tinuturo 'yung hawak hawak kung plastik.

"Eh? Sa tingin mo magugustuhan niya 'to?" nag-aalinlangang tanong ko sa kanya.

"Oo naman noh!" sabi niya.

"Kung ayaw mo ibigay mo na lang sa akin." sabi ni Kimmy habang nakangiti.

"Ayoko nga! Bleh!" pinandilatan ko siya.

Hayy. Bahala na nga. Bahala na si Batman. Naglakad na ako papunta sa room niya.

Thomas

I was about to go to lunch when I saw Ara outside of my classroom. Lumapit ako sa kanya.

"Anong problema babe? Ba't ka andito?" tanong ko sa kanya.

"Aww. Ayaw mo bang andito ako? Fine aalis na lang ako." sabi niya.

"Uy! Wala akong sinasabi ah. I was just asking why you we're here and na-realize ko na kung bakit." sabi ko sa kanya with a smile.

"Weh? Sige nga, bakit naman ako nandito?"

"You we're here for me." i said while smiling "Wala ka namang kakilala dito kundi ako lang, right?" dagdag ko pa.

"H-hindi noh. Napadaan lang kaya ako dito!" she said while stuttering.

"Then why are you stuttering? HAHA." tsaka ko siya tinawanan. She's not a good liar.

"Oo na!" sabi niya habang namumula tsaka niya iniabot 'yung plastic na hawak hawak niya.

"Ano 'to?" pa-simpleng tanong ko sa kanya kahit alam ko talaga kung ano 'yun.

"Lunchbox!"


"No, I mean bakit may band aid 'yang kamay mo?" I asked her while pointing at her bandages.

"Ah wala!" sabi niya "Sige bye!" dagdag pa niya tsaka naglakad palayo.

"Ah ang sweet mo naman dinadalhan mo ng pagkain ang boyfriend mo!" pagbibiro ko sa kanya. Tumigil naman siya at lumingon sa akin. Sinamaan lang niya lang ako ng tingin at naglakad na palayo.

Binuksan ko na 'yung lunchbox. Medyo natawa naman ako dahil ang itim nung fried chicken. Haha. Tsaka 'yung siomai naging siopao kasi naging bilog. Halatang niluto ng taong di marunong magluto. Haha. Mukhang hindi na edible.

Tinusok ko 'yung siomai gamit 'yung tinidor( common sense! ) at sinubo ito.

ACK! Lasang ewan! Napaka-out of this world nung lasa! I was about to put the lunchbox away i remembered that she was a band aid over her hand.

Pinaghirapan niya to eh.

Kahit na nakakamatay at mukhang hindi edible eh inubos ko pa din.

Nang matapos na akong kumain eh sinara ko na 'yung lunchbox ko ay biglang may nahulog na note.

Meet me up mamayang uwian. :)

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon