Chapter 41

3.3K 41 11
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

* Tagaytay : Day 3 * 

Ara

Matapos ang pagtuturo ni Thomas at pakikipagkulitan ng mga bata sa amin ay nakapagpahinga na kami. Bukas na lang daw yung game sa basketball dahil malapit na ang gabi.

"Thank God!" sabi ko at tuluyang lumampasay sa kama ko-slash-namin ni Thomas. Nakakapagod ang araw na 'to pero worth it kasi na-share namin yung mga talent namin.

"Bebe ko! Halika na kakain na!" sigaw niya mula sa baba. Napatayo ako sa kama kahit ayaw ko. Gutom ako eh. Ganoon talaga. Yun lang ang nagpapabangon sa akin. Kapag nalolowbat ang phone ko, pagkakain at of course pag nasusunog yung bahay. Haha.

Pagdating ko sa kusina ay hindi ko maiwasang makaramdam ng awkwardness.

"You're drooling over me again, eh?" Nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita. Namula naman ako dun sa sinabi niya.

"Drool mo m-mukha mo." Pagde-deny ko naman. Eh paano ba naman kasi naka-topless lang ulit siya. Temptation.

OH TUKSO, LAYUAN MO AKO!

Nakayuko ako ng maramdaman kung biglang may tumusok sa pisngi ko. Lumingon ako at bigla kong na-kiss yung lips niya dahil napaka-lapit niya sa mukha ko. >//<

Pinalo ko siya. "Eeeh! Thomas naman eh! Nananching!" sigaw ko sa kanya.

"Ma-swerte ka nga eh. Dahil nahahalikan mo ako." sabi niya habang nakangiti.

"Eww. Bye. Magtu-tootbrush nga muna ako." Sumimangot naman siya.

"Halika na kumain na tayo. Huwag ka nang umalis." hinatak niya ako bago pa ako pumunta sa may lababo.

Nanlaki naman ang mga mata ko. More like nag-shine bright like diamond dahil sa ulam na nakahanda. Ang sarap eh! Curry! Oo, curry! As in chicken Curry. Pero seryoso, paborito ko kasi ang curry eh. Ang sarap kasi eh.

Kumuha ako ng kanin at ng ulam at nagsimulang lamunin... joke. Kainin pala. Pero nakakailang dahil nakatingin siya sa akin. Naco-concious tuloy ako.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ganyan ka makatingin?!" mataray ng tanong ko sa kanya.

"Kasi naadik na ako sayo." sabi niya. A-ano daw?

"Pssh. Sige shabu pa."

Lumapit siya sa akin at bigla akong kinabahan. Napalunok na lang ako ng laway. Nilapit niya ang kanyang mga labi sa mga labi ko pero bigla kong nilagay yung isang daliri ko sa labi niya.

"Awwe. Why?" tanong niya with hints of disappointment in his eyes.

"Ang adiksyon ay pinipigilan." sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Hmp." sabi niya at bumalik sa kinau-upuan niya.

--

Kanina pa ako hindi pinapapansin nitong kumag na to ah. Naku! Napaka-matampuhin talaga! Ang sarap iuntog.

"Hala, anong nangyayari sa inyo ni Kuya Thomas? Bakit hindi ko ata kayo nakikitang nagpapansinan?" tanong ni Leslie.

"Wala. Nagtatampo lang siya." pa-simpleng sagot ko.

"Eh sure ka?"

"Oo."

Ngayon nga pala 'yung basketball game between Jeron's Team and Thomas' team kasi nga imbes na kahapon kaso magga-gabi na kaya minove.

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon