Chapter 13

4.7K 45 1
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

*Epic fail.* Second half

Ara's Point of View

Buti na lang at natapos na rin yung paggamot sugat ko! Grabe! Nakakahiya talaga! E malay ko ba na alam niyang tinitignan ko siya?! Hindi ko naman kasi expected na tinitignan niya ako dahil sa busy nga siya sa pangagamot sa sugat ko eh. Hmp!

Iniwan ko na siya dun dahil siya na lang daw yung magliligpit ng nabasag na pinggan at magtutuloy sa paghuhugas. Sabi kong ako na eh pero sadyang mapilit lang talaga siya.

"Ayiee!" sabi nila Kim at Cienne.

"Ako na kasi! may sugat ka oh!" The eff?! Wait. What?!

I mentally cussed. The fudge. Don't tell me?! Lamunin mo na ako lupa! Nakakahiya talaga! Super! Don't tell me?! Narinig nila 'yun!

Okay Ara, huwag pa-obvious. Inhale, exhale. Alam ko na nagmumukha na akong baliw rito kaya lemme' explain.

Pagtapak ko papunta sa sala, nagulat na lang ako dahil nag-a-acting sina Kimmy at Cienne. Eh sino ba namang hindi magugulat dun?!

"Eh so what naman kung mag-acting sila? Not a big deal. Tss."

Konsensiya? Ikaw ba 'yan?

"Ay hindi, hindi. Masamang espiritu."

Aba aba hiyang hiya naman ako sa'yo! Ikaw na nga 'tong nangialam sa pag-e-explain ko eh!

"Sorry naman! Pero bakit ano ba kasi ang mali sa pag-acting?"

Eh kasi.. uhm.. Yung ina-acting kasi nila eh yung nangyare kanina sa kusina. Huwaa! Ganito kasi 'yun.

--Flashback--

After niyang gamutin ang sugat ko, tumayo na ako para iligpit at ituloy yung paghuhugas ko.

Hahawakan ko na sana 'yung broken pieces ng pinggan ng bigla niyang hawakan yung kamay ko.

"Ako na, may sugat ka oh." sabi niya sa akin.

"Eh? Kayo ko naman eh at tsaka malayo rin 'to sa bituka ko 'no." sabi ko sa kanya. Inalis ko na 'yung pagkakahawak niya sa kamay ko at hinarap 'yung lababo at kinuha ang mga fragments ng nabasag na pinggan.

Whatever Thomas! Ang kulit! Kanina pa siya nangungulit eh! Tss. Hindi ko na lang siya pinapakinggan at tuloy pa ring kinukuha yung mga piraso ng nabasag na pinggan.

Halos mapatalon ako dahil sa ginawa niya! Yinakap lang naman niya ako mula sa likuran!

"Ako na kasi! May sugat ka oh?" sabi niya sabay turo sa kamay ko.

"A-ah. S-sige n-na n-nga." nauutal kong sabi sa kanya.

Inalis ko na 'yung kamay niya at tumakbo papuntang sala sa sobrang hiya! Huwaa! Why are you doing this to me? Thomas?!

--End of Flashback--

At pagdating ko dun sa sala, nakita ko silang ina-acting 'yung scenariong 'yun! Nakuu! Sa sobrang hiya napa-facepalm na lang ako.

"Ayiee. Chaaar! Kinikilig ako!Itigil mo nga 'yan, Thomas!" malanding sabi naman ni Cienne kay Kimmy.

Walangya. Walang ganung nangyare ah? Grabe dinagdagan daw ba? Hayy naku! Buti na lang at sila lang ang andun. Si Cienne, Kimmy at Carol. Scripted lang?

Inirapan ko na lang siya.

"Asan na sina Jeron at Mika?" pagcha-change topic ko naman sa kanila.

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon