Chapter 14

4.5K 42 7
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

* Insert title here, * 

[ ARA's POV ]

"Gabi na ah? Ba't hindi pa kayo nagsisipag-uwi?" bungad ni Ate Aby sa amin na halatang kagi-gising dahil sa pambubulabog na ginagawa namin dito sa dorm.

"Ah. Di pa po kami makatulog eh." sabi ni Thomas.

"Baka naman ayaw mo lang iwanan si Ara?" sabat naman ni Kimmy. Naku, naku nangdadamay pa eh! Inirapan ko na lang si Kimmy. Porke' wala si Mela dito? Amp.

"Eh ikaw Jeron?" tanong naman ni Ate Aby kay Jeron.

"Kasi po ahmm.. hahaha.." natatawang sabi ni Jeron. Si Mika naman halos mamula na sa kung ano man 'yung sinasabi ni Jeron na iyon. Hmm. I smell something fishy.

"Ah sige na nga. Basta pag uuwi kayo wag niyong isasama 'yang dalawa ha?" sabi ni Ate Aby sa kanilang dalawa.

"Ate Aby naman! >//<" sabi ko sa kanya.

"Joke lang. Hahaha" at nagtawanan na ang mga loko. Ako naman nakayuko lang.

"Tama na nga!" awat ko sa kanila "maglaro na lang tayo ng Truth or Dare." sabi ko sa kanila. Wala eh. Boring kasi eh.

Nag-agree naman silang lahat kayo tumayo na ako at pumunta sa kusina para kumuha ng bote. Asan na ba 'yung mga bote?! Pakita kayo uyy!

--

"Ang tagal mo naman! Para bote lang eh. Tss" sabi ni Kimmy habang nakapameywang. Aba? Demanding si Kuya ah.

Inirapan ko na lang siya.

"Sige na guys, start na!" sabi ni Mika.

"Ako na ang unang mag- iikot." sabi ko sa kanila at inikot na ang bottle at tsaka tumapat kay Kimmy.

"Ako na ang magtatanong." sabi ni Cienne sa kanila.

"Hoy! Anong magtatanong ka jan? Hindi ako magtru-truth noh!" sabat naman ni Kimmy.

"Edi ako ang mag-uutos sayo! Linisin mo 'yung kuwarto natin!" utos naman ni Cienne sa kanya.

Halos nanlaki ang mga mata ni Kimmy sa narinig niyang iyon. Kami naman pinipigilan lang namin ang mga tawa namin.

"Sige na nga, TRUTH na lang. Tsk" sabi ni Kimmy with arms crossed.

Hinawakan naman ni Cienne 'yung mga kamay ni Kimmy "Gusto mo ba si kuya Jeric?" tanong ni Cienne.

"Hindi."

"Weh?"

"Hindi nga kasi."

"Hindi ka talaga aamin ah?" Tuluyan nang inipit ni Cienne ang mga kamay ni Kimmy.

"ARRRAAAAY!!! Oo! GUSTONG GUSTO!!" sigaw ni Kimmy. Hahaha. Gaga talaga tong si Cienne.

Sumunod naman si Carol nag-truth siya at inamin niyang crush niya si Van Opstal. Haha. Si Cienne naman pinagtimpla ng kape si Kimmy para daw dun sa ginawa ni Cienne sa kanya kanina kaya ayun! Hanggang sa tumapat kay Thomas.

"Thomas! Ikaw na! Hihi. Truth or Dare?" nakangiting nakakaloko na sabi ni Kimmy.

"Gusto ko dare. Puwede ba ako na lang mag-utos sa sarili ko?" natatawang sabi ni Thomas.

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon