Chapter 7

5.2K 62 4
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

Ara's Point of View

Hassle at haggard. Ganyan ako habang naglalakad pa-uwi. Kainis si Thomas! Ang hyper! Nakakapagod! Kung ano anong pinagagagawa at pinagtatatanong. Ang sarap batukan. Hindi ko aakalain na ganun siya kakulit dahil noong una ko siyang nakasalubong, para siyang snob. Tss ng tss. Hindi naman ahas.

Akala ko kasi hanggang lunch lang kami magkasama eh pero iniya pa niya akong pumunta sa Mall. Sheesh. Ayan tuloy di ako nakapag-training.

Binuksan ko yung pintuan ng dorm at nakakapagtataka dahil mukhang wala tao. Nung pumasok na ako ng tuluyan, nakita ko ang mga ka-teammates ko na nagkukupulan sa isang sulok.

"Hi eblione! Ano yan?" tanong ko sakanila. Lumingon naman sila sa kinatatayuan ko at kani- kaniyang nag-ngitian ng nakakaloko.

"Ikaw ah."

"Hindi mo pa sinasabi sa amin."

"Oo nga."


Sabi nila Carol, Kimmy, at Cienne. Ano raw? Ano bang sinasabi nang mga 'to?! Full moon ba ngayon?

"Huh? Ano bang pinagsasabi niyo diyan?" kunot noo at nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Wala, wala."

"Oo. Wala nga."

"But anyways,"

"Was your date with Thomas Torres?" sabay sabay nilang tanong na may kasama pang pag-ngisi.

"Anong date?! Duh! Wala kaya akong date!" sabi ko naman sila.

"Weh? Defensive much? May exclamation point?" sabi ulit nila ng sabay sabay. Wow ha? Pinagplanuhan talaga nila ang pambubwisit nila sa akin. Nag-effort pa silang magpractice para lang maging in-sync lahat pati yung pagsasalita nila.

"Bahala na nga kayo, basta ako kakain na. Basta! Hind 'yun date." sabi ko sa kanila at naglakad papunta sa kusina.

Nakita ko sina Ate Wensh, Ate Abi at Ate Mich na katatapos lamang maghanda ng food namin sa hapag.

"Kakain na, bullies!" sigaw ko sa kanila mula dito sa kusina.

--

After ng last suffer, I mean supper umakyat na ako sa kuwarto ko. Kainis! Sari saring panlalait, pamimintas at kung ano ano pang synonyms ng panlalait ang natanggap ko mula sa mga Bullies! Kainis naman kasi si Mika eh! Iwanan daw ba ako kasama si Thomas?

"Kumusta namang ka-date si Thomas? Is he good?" tanong ni Mika sa akin habang kinikilig raw. Tss.

"Wala! Ang kulit! Hindi nga kasi date yun! But anyways, para siyang bata! Kung ano ano ang pinagagagawa. Tsaka ikaw kasi eh! Kasalanan mo 'to" sigaw ko kay Mika. Leche talaga.

"Paki-hinaan mo nga ang boses mo! Hindi mo ba alam na natutulog na sila? Magkuwento ka na lang!" she demanded. Leche. Napaka-demanding.

-flashback-

Matapos ang nakakahiyang nangyari sa cafeteria, nag-order na kami ng mga pagkain namin.

Dumating na rin si Waiter dala dala ang mga orders namin.

Akala ko magiging awkward ang atmosphere namin pero hindi pala.

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon