Chapter 12

4.6K 46 5
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

*Start of something new.*

Mika's Point of View

Ano ba 'yun?! Bakit ang ingay?!

Sabi ko sa aking sarili habang kinakamot ang batok ko. May naririnig akong ingay at tawanan na nanggaling sa paligid.

"Dali! Picturan n'yo!"

"Wait lang! Eto na oh! Excited?! Excited?!"

Click! Click!

Nadagdagan pa ang ingay na aking naririnig sa mga clicks ng camera. Anobayan! Natutulog yung tao eh! Istorbo naman 'tong mga to eh!

Teka?! Bakit mabigat?!

Idinilat ko ang aking mga beautiful eyes at nakita ko ang mga Bullies kasama si Thomas at iba pang mga classmate namin.

"Waaa! Akin na 'yan Cienne!" sigaw ko sa kanya tsaka tumayo. Bigla tuloy nagising si Jeron dahil sa biglaang pagtayo ko. Paano ba naman kasi, yung ulo niya nakapatong sa ulo.

"Ayie!" sabi namin nilang lahat. "The tulo laway couple! Haha." pang-aasar nila.

"Huh?! Anong tulo laway ka ja-- Ahh!" halos mapasigaw ako ng may naramdaman akong basa malapit sa bibig ko.

"See? Sabi ko nga eh." sabi ni Ara. Tinignan ko si Jeron at nakita kong may laway na tumutulo sa kanyang bibig.

"Ba't kayo magkasama? At anong ginagawa niyo?" tanong ni Kimmy.

"Oo nga. Don't tell me .. " sabi naman ni Ara.

"Don't tell me what Ara? " sabat ni Cienne.

Binulong naman ni Ara sa kanila kung ano yung naiisip niya. Nakita ko namang nagulat sila sa sinabi ni Ara.

"Kayo na?!" sabay sabay nilang sigaw. Whatthefudge. Ayan tuloy andami ng nakatingin sa amin.

"Hoy! Itigil niyo nga ang kasisigaw! Gumagawa kayo na eskandalo dito eh! Hindi pa kami! Diba Jeron?" sabay tingin sa kanya, as a sign na humihingi ng saklolo.

But instead of helping ...

"Oo, hindi pa. Hindi pa ngayon, baka bukas. Haha." sabi niya sabay ngiti.

"Che! Hindi kami."

Epic fail kasi eh. Sinabi ko bang Hindi Pa? Lupa, lamunin mo na ako! Madali ka! Nakakahiya!

"Ahh Hindi pa!" sabi naman ng bullies in a Unison.

Ako naman nganga lang. The eff. Walang hiyang Jeron! Akala ko kakampihan niya ako! Teng-ene!

Umalis na ako sa pagkaka-upo dahil magta-training na raw kami. Ang dami naming namiss na klase dahil sa manyak na gorillang 'yun. Nevermind. Ayoko ng alalahanin ang nangyari.

Pumunta na kami sa Sports Complex para makapagsimula sa training namin. Nadatnan namin si coach na nakatayo lang dun.

"Mr. Torres and Mr. Teng, what are you doing with the girls?" nagtatakang tanong ni Coach.

Nagtinginan lang silang dalawa ng gumawa-ka-ng-palusot look.

"Ah, coach may training rin po kasi kami eh." pagpapalusot ni Jeron.

"Ah oo nga pala. Alis na po kami coach." dagdag ni Thomas.

Umalis na sina Thomas at Jeron. Sinumulan na rin namin ang training.

--

"Nice job everyone. Especially to Mika and Ara. Hmm." napatigil ito ng bahagya at tinignan kami mula ulo hanggang paa. "Is it because of the two gentlemens who came earlier?" tanong ni coach.

"Ah, e-eh. Parang ganun na nga po coach." sabi ni Ara sabay kamot ng batok with the shine bright like a diamond eyes. "Diba, Mika?" she said in a dreamy voice.

"Che! Ikaw lang 'yun! Ako hindi!" pagtataray ko sa kanya.

"You're the one to talk. Eh ikaw nga yung desperadang humihingi ng tulong eh. Tss." bawi niya. Ay ang gaga bumabawi lang?

"Okay lang na magmahal kayo girls. It's normal that you would have these crushes, boyfriends but I hope that this wont affect your performances especially now that were in Season 76." sabi ni Coach.

"Opo, Coach!" sabay naming sabi ni Ara.

--

Ara's Point of View

"Hayy! Nakakapagod." sambit ko sa sarili tsaka ako umupo.

Nandito na kami sa dorm namin. Buti na lang hindi kami nagtagal sa training. Grabe si coach! Ang daming pinapagawa! Pati pa sina Thomas e napiling pag-diskitahan. Utusan daw bang buhatin yung mga gamit sa sports papuntang sport's room?! Di bale na lang daw kasi malakas naman daw sila eh.

My stomache growled all of a sudden. Narinig din tuloy ni Cienne at ni Kimmy.

"Ano ba naman 'yan Ara. Gutom ka na naman." sabi ni Cienne.

"Eh bakit? Bawal ba?" binelatan naman ni Kimmy si Cienne. Hahhaha. Parang mga bata talaga 'to. Bigla daw ba kasing sumigaw yung mga alaga ni Kimmy? Haha.

"Ako rin gutom na, halika Kimmy kain tayo!" sabi ko sa kanya at umalis papunta sa kusina.

Nagsimula na kaming nangalkal ng makakain sa ref.

Thomas's Point of View

"Bro? Sigurado ka ba diyan?" nag-aalangang tanong ni Jeron sa akin.

"Oo naman Paps. Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong ko sa kanya sabay pout.

"Aww, oo naman may tiwala ako sa'yo Paps." sabi niya sa akin. Nababakla na ba ako? Hindi naman siguro noh? Lol. Madami pa akong gustong gawin. Like be Ara's husband.

"Halika na nga." sabi ni Jeron.

Lumabas na kami ni Jeron at nagsimulang maglakad papunta sa Dorm ng Lady Spikers. Bakit kamo? Secret. Malalaman niyo rin.

Kumatok ako sa pinto.

Bumakas na yung pintuan at bumungad sa amin si Ate Aby. Biglang kumulubot yung mukha ni Ate Aby. Siguro nagtataka kung anong ginagawa namin sa dorm nila.

"Ah? Bakit kayo andito?" tanong niya sa amin.

"Ah kasi gusto sana naming.. Uhh.. " paano ko ba sasabihin to? Ang hirap naman.

Lumapit ako sa kanya at ibinulong kung ano ang gusto ang pakay namin.

"Ah ganun ba? Sige, pasok." sabi ni Ate Aby na nakangiti. Yesh! Success!

Meanwhile on Twitter ...

@UniversityCouples: Let's go sa Taft, look at this! Another couple's caught on camera! The tulo-laway couple! Yiie! #Jemik pic.twitter.com/asasadsfsf

(Imaginary photo of them, sleeping side by side na may laway na lumalabas sa bibig.)

___________________________

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon