Chapter 40

3.4K 50 3
                                    

Hope you enjoy reading. Please consider voting if you enjoyed the chapter. :)

--

* Tagaytay : Day 2 second half. * 

Ara

"Miss na kitaaaa! Kuyaaa Peeteeeer!" sigaw ko sa kanya. Eh kasi naman sinong hindi makakamiss sa mokong na beastfriend kong to. Hahaha. Oo, beastfriend. Beast kung pumalo! Wooh! Baon yung palo niya! Yung tipong hindi na pwedeng buhayin yung bola? Ganun eh. Pero take note, hindi malakas ang tawag dun. Baon! May mga players kasi na malakas ang palo kaso pwedeng pwede pa ring ma-dig yung mga palo nila. Gaya ko.

"Miss din kitaaaa!" sabi naman niya sabay yakap sa akin.

"Ahem." dumistansya naman si Kuya Peter sa akin. Haha. Si Thomas kasi eh.

"Kumusta na, Season MVP?" tanong niya sa akin.

"Okay lang, Finals MVP." sabi ko sabay ngiti. "Eh ikaw ba't ka andito?" pabalik na tanong ko sa kanya.

"Okay lang din. Yiie! Gumaganon ka na ah." sabi niya sa akin kasama ang nakakalokong tingin niya na may kahulugan.

"Huh?" pagtataka ko sa sinabi niya.

May kinuha naman siya sa pocket niya which is yung cellphone niya at kinalikot niya ito.

"Ito." sabay pakita niya nung cellphone niya sa mukha.

Nawindang naman ako sa nakita ko! Maygawd! Halos lumabas na nga yung mga mata ko eh. Habang si Kuya Peter naman eh tawa lang ng tawa.

Pinalo palo ko siya sa dibdib niya. "Aaah! Huwag ka ngang tumawa!" sabi ko sa kanya. Eh paano ba naman kasi yung picture na yun eh yung magkayakap kami ni Thomas habang natutulog. 


@kimfajardo09 : look at this oh! Magka- yakap sila habang nakatulog. May nabuo na ba? Haha. @iamthomastorres @VSGalang pictwitter.churvaeklavush.com (insert photo of them na magkayakap)






Naku! Pag nakita ko si Kimmy kakalbuhin ko talaga 'yun! Ang sagawa kaya nung tanong niya! Eww! Paano kung may nabuo nga?

Erase. Erase. Erase!

Ba't ko ba iniisip 'yun?!

"HAHAHAHAH!" tawa pa rin suta ng tawa hanggang ngayon. Lagot talaga siya sa akin pag nakita ko siya! Hmp! Mawawala siya sa lupuang tinubuan dahil sisipain ko siya papuntang China! Amp!

Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya naman tumigil siya. Good boy. Pero parang may kulang eh.

Nasaan na si Thomas? Nasaan na yung kumag na 'yun?

"Nakita mo si Thomas?" tanong ko sa kanya.

"Hindi." Pssh! Nasan na ba 'yung engot na 'yun?

"Sige bye! Hahanapin ko muna siya." Naglakad ako papalayo sa kanya at nagsimulang maghanap. Pumunta ako sa kusina pero wala siya dun. Pumunta na rin ako sa CR, wala. Sa living room, wala. Ang tanging hindi ko lang napuntahan ay yung kuwarto nami-- err ko.

At tama nga ako. Nandun siya. Naka-upo lang na para bang ang lalim ng iniisip. Lumapit ako sa kanya.

"Thomas? May problema ba?" napalingon siya sa akin pero kalaunan eh tumingin ulit siya sa bintana.

"Hmp!" sabi niya. Huh? Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Ano nga kasi?" tanong ko ulit sa kanya.

My Idol , My Lover - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon