Chapter 24

69.5K 1.1K 59
                                    

"I can't go back to yesterday because I was a different person then."

― Lewis Carroll, Alice in Wonderland


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


"WHHAAAAATTT?!!! YOU'RE A WHAAAAATTT?!!!"


Tinakluban ko ang tenga ko nang sabay na sumigaw si Cyrene at Adele. Mabuti na lang at tahimik lang si Loreez kung magulat.


"Ex-gangster. Ex, okay? Ex. Past. Dati." paglilinaw ko.


After 1 week, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa mga kaibigan ko ang sikreto ko. At dapat pala nag-ready na agad ako ng ear plugs kung ganito pala kalakas ang pagre-react nila.


"Gaahd! Pati rin pala ikaw Shiela!" pagtuturo sa kanya ni Cy.


Tumawa lang si Shiela.


"Grabe, ang tagal niyo na palang tinatago sa amin 'to ha." hindi makapaniwalang sabi ni Loreez.


"Grabe lang." sunod naman ni Adele.


"Galit kayo?" maingat kong tanong. Maiintindihan ko naman kung magagalit sila, eh.


Tumahimik sila saglit at dahan-dahang ngumiti, "OF COURSE NOT!!" sabay-sabay nilang sigaw.


Nagtatakang tumingin kami ni Shiela sa isa't-isa. Hala, may sayad na ba talaga ang mga kaibigan ko?


"Haler, girl! Bakit naman kami magagalit kung may dalawa kaming kaibigan na gangster! Omygas tank! This is so cool~" sigaw ni Adele habang lumulundag sa kama ko. Yung kama ko...


"Alam na ba 'to ni Zyren?" natahimik naman ako dun sa tanong ni Loreez.


"Kumukuha na lang ako ng tiyempo." mahina kong sabi.


"Teka lang, wait! Ikwento mo muna kung pano ka naging gangster, daliiiii!" pagpupumilit ni Cy. Umupo sila sa harapan ko na para bang ako si Lola Basyang. Tumawa naman si Shiela at nanatiling komportable sa kama ko. Ugh.


"Mahaba 'to ah? Walang magsasalita!" pagwa-warn ko. Sabay-sabay naman silang tumango.


Okay, here it goes.


"I started being a gangster when I was in grade 4, I think?" paninimula ko.


Nanlaki ang mga mata nila at ibubuka na sana ni Adele ang bunganga niya nang bigla akong nagsalita.


"Oh. Wag kayong magsalita. Nagtataka kayo, I know. Well, pwede naman talaga akong maging gangster kahit kelan ko gusto." simple kong sabi. Magtatanong na sana sila pero itinaas ko ang kamay ko, "Why? Because my mom was the leader, no, the founder of that gang."

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon