Chapter 20

73.1K 1.1K 79
                                    

"The truth is rarely pure and never simple."

- Oscar Wilde, The Importance of Being Earnest


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


Kahit papaano, nagising naman ako ng maaga kung ico-compare sa paggising ko nung mga nakaraang araw.


Lumabas na ako at.. bakit parang dumami ang mga tao dito sa resort? At bakit parang lahat sila ay nagmamadali sa pagkilos?


Lumapit ako kay Shiela na nasa cottage, "Anong meron?"


Tiningnan niya ako na para bang isa akong baliw, "October 10 ngayon ah?"


Nakatitig lang ako sa kanya. She sighed, "Grabe." Umiling siya at tinapik ako sa balikat, "Ikaw na ang bahalang makaalam." at naglakad na palayo.


Sabay-sabay kami ngayong kumakain ng pananghalian pero hindi ako mapakali kasi kulang kami.


"Si Zyren?" hindi ko napigilang tanong.


"Hinahanap~" sabay-sabay sabi ng mga kaibigan ko at ng mga lalaki nila. Seriously.


"Zhaira, bakit mo siya hinahanap, nandito lang n -" paninimula ni Jim.


"Nandito lang naman ako!" sigaw ni Jan.


"Bastos! Don't cut the line!" sabi ni Jim at hinampas sa ulo ang kanyang kakambal.


"Zhaira baby naman, ako na nga 'tong nasa harapan mo oh." Zac.


"Gago! Katabi ka kaya nya! Ako yung nasa harapan oh!" Pep.


"Kayo nasa harapan lang. Eh ako, nasa isip nya!" Pol.


"Sus! Wala kayo, eh ako nga ang nasa puso nya eh!" Jack.


"Hoy Jackoy! Ang kapal na ng mukha mo!" Pep.


"Aba! Bulgaran ba 'to ng pangalan? Ha, Pepito?!" Jack.


"Sali tayo sa kanila, Zachario!!" Pol.


"Tumahimik ka Polito." Zac.


Habang patuloy lang ang sigawan nila, patagong umalis na ako sa cottage at naglakad-lakad sa beach. Oo, hoping na makikita ko si Zyren.


"Zhaira!" hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at nagulat ako nang may isang babaeng papalapit sa akin.


Hindi lang isang babae. Ang principal. Ang ate ni Zyren.


Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon