Chapter 7

85.4K 1.3K 130
                                    

"I may not have gone where I intended to go, but I think I have ended up where I needed to be."

― Douglas Adams


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


"Huy, ikaw naman magsalita." ramdam ko na naman na naka-pout siya. Mukhang napagod na yata siya sa kaka-kwento. Just so you know, hindi ako ngayon nagtatanong sa kanya. Siya na mismo ang nagkwento ng kung anu-ano. Example, paano i-toilet train ang isang aso.


"Wala akong sasabihin." sagot ko habang nagbabasa. Kuno. Chemistry book po itong binabasa ko, at nakaka-limang ulit na yata ako sa first 2 sentences pero walang pumapasok sa utak ko.


Diyos ko, tulungan niyo po akong makapasa sa exam.


"Kwentuhan mo ko tungkol sayo." parang bata niyang sabi. Tiningnan ko sya. Wrong move.


He leaned his arm on the side and looked at me while smiling. Argh. Bakit ba kasi magkaharap ang pwesto namin ngayon? Agad akong yumuko at binalik ang pagbabasa. Kuno.


Narinig ko na naman ang pagbuntong-hininga niya. "Ano ba 'yang binabasa mo?"


Inangat ko ang libro at pinakita sa kanya ang cover.


Tumawa siya ng mahina. "Pfft. Di mo pa rin na-ge-gets yung formula na - " bigla siyang tumigil sa pagsasalita. Agad akong tumingin sa kanya.


"Anong sinabi mo?" Malinaw yung narinig ko pero gusto ko lang ulitin niya para makasigurado ako. 'Di mo pa rin gets yung formula'.


Anong 'Di pa'? Kelan ko ba sinabi sa kanya na may pinag-aaralan akong formula?


Tumawa na naman siya. But this time, isang kinakabahang tawa. Napakamot siya sa ulo niya. "Ha? May sinabi ba ako? Ano bang sinabi ko?"


"Paano mo nalamang may hindi ako nage-gets na formula?" sumandal ako sa upuan at seryoso siyang tiningnan.


He cleared his throat. Halata na sa kanya na hindi siya komportable sa sitwasyon niya ngayon.


"Sabihin mo nga sakin ang totoo.." paninimula ko. Tumingin siya sa akin na parang natatakot.


"Sorry." "Stalker ka 'no?" Sabay naming sabi. "What?" "Ano?" Sabay na naman naming sabi.


Tumawa na naman siya at minotion na ako na ang unang magsalita. "Simula kelan mo pa ako inii-stalk?"


Okay. You might find me cocky, pero masisisi niyo ba ako? Isang araw, bigla na lang niya akong kinindatan at sinundan. Ang creepy kaya.


Tumawa siya. Isang full-on laugh. Yung halos may mga luha na sa mga mata niya. Hindi kaya may sayad talaga 'to sa utak?


Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon