Chapter 21

74.6K 1.1K 110
                                    

"We are what we pretend to be, so we must be careful about what we pretend to be."

― Kurt Vonnegut, Mother Night


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAIRA'S P.O.V>

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pagkabukas ko ng pinto.


He rolled his eyes. Aba, mukhang nahahawaan ko na siya ah, "Yes. Hello. It's good to see you too, girlfriend." Namula naman ako sa sinabi niya at ipinasok na ang kanyang sarili sa loob ng bahay.


"Ano ngang ginagawa mo dito?" pag-uulit ko.


"I'm going to introduce myself to your dad." simple niyang sagot habang nakaupo sa couch. Shit, ngayon ka pala ang dating ni dad galing sa business trip niya.


Napanganga na lang ako sa gulat at magsasalita na sana nang biglang nakarinig ako ng pag-park ng isang sasakyan. Damn it, he's here.


"Bebe girrrrrr-" huminto si dad nang makita niya si Zyren sa tabi ko. "What are you doing here?" Teka, magkakilala ba sila?


"Hello, sir. I'm Zyren Cornista and I will take care of her, I promise." at nag-bow pa siya. Napanganga naman si dad at tinuro ako, at sunod na tinuro si Zyren. Paulit-ulit lang niya itong ginawa habang naka-nganga.


"Wow." sabi niya pagkatapos niyang ma-absorb ang lahat. "My baby girl's all grown up now." Bago pa pumatak ang mga luha niya, nagbukas ulit ang pinto at nagpakita ang isang taong hindi ko ine-expect.


"Teka, sinong grown up na? Bakit hindi ko alam?" this time, ako naman ngayon ang napanganga. Huminto siya sa harapan ko at tumawa, "Oh ano, nene. Tutunganga ka lang dyan? Wala ba akong welcome greeting?"


"Kuya Kyle!" tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. Narinig ko ang pagsigaw ni Zyren pero in-ignore ko na muna siya. Na-miss ko ang lalaking 'to eh. "Nene, I missed you." bulong niya sa akin.


Kumawala na siya sa yakap ko at inilahad ang kamay niya kay Zyren, "Kyle Damian Lordez. No need to be jealous, bumibisita lang ako dito, aalis din agad ako." nakangiti niyang sabi.


Family friend si Kuya Kyle at 2 years older lang siya, 'Nene' ang binigay niyang pet name para sa akin.


Nangibang bansa siya noong namatay ang tatay niya para makitira sa iba niyang ka-pamilya. Pero noong mga panahon na kakawala pa lang ni mama, sila nila Papa at Shiela ang nagsilbing balikat ko at pansamantalang tagapag-ligtas. Let's say that he's like a big brother that I never had.


Nang makauwi na si Zyren, nagyaya si Kuya Kyle na lumabas muna kami. At syempre, saan pa ba kami pupunta kundi sa park.


"Zhaira!" nakasalubong ko si Rick na nagj-jogging habang may suot-suot na earphones.


"Uy." awkward kong sabi. Parang madalas ko na yata siyang nakakasalubong ah.


Napansin niya ang presensya ni Kuya Kyle at nagtitigan ang dalawa, at nararamdaman kong may kung anong tension na namamagitan sa kanilang dalawa. Si Rick ang unang umiwas ng tingin at nginitian ako, "Sige, pasabi na lang kay Pink na miss ko na siya." sabi niya at kumindat bago tumakbo palayo.

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon