Chapter 3

96.4K 1.5K 142
                                    

"I'd learned that some things are best kept secret."

―Nicholas Sparks


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>

I love and hate weekends. Walang klase, pero wala naman akong magawa. Or sadyang boring lang talaga ang buhay ko.


For the nth time, humiga ulit ako sa kama at tumitig sa ceiling. Hindi naman ganito ka-boring ang buhay ko dati ah. Di tulad nung-- Agad akong umiling. Bakit ko ba binabalikan ang mga 'yon?


Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Shiela. Kailangan ko ng distraction. Masama kapag wala akong ginagawa; kung anu-ano ang naiisip ko.


"Holla~" agad niyang sagot sa unang ring pa lang. Naka-glue na talaga sa kanya ang cellphone nya.


"Tara. Mall." simple kong sabi.


"Sure!"


"Ge."


At in-end ko na ang call. Yun ang maganda kay Shiela eh, G sa kahit saan at kahit ano.

Nag-ayos na ako at makalipas ang ilang minuto, rinig ko na ang boses ni Shiela habang kinakausap si Daddy.

Bumaba na ako bago pa wasakin na naman ni Shiela ang pinto at pader ng kwarto ko.


Nag-bye na siya kay Daddy, at the usual, tumango lang ako sa kanya. Pagkalabas namin sa gate, nakasalubong namin si Geoff na naka-tank top at jersey shorts, nagjo-jogging. Ramdam ko ang paninigas ni Shiela sa tabi ko. Meh.


"Yo." Nakangiting bati niya sa amin.


Rinig ko ang pag-inhale ni Shiela. "He-hello." Halatang-halata naman 'tong babaeng 'to eh.

At syempre, no reaction lang ako.


"Suplada mo talaga, pinsan." sabi niya sabay kurot sa pisngi ko. "O sya, una na ko." Nag-wave sya samin, sinuot na ang isang pares ng earphone nya, at itinuloy ang kanyang pagj-jogging.


"Bye!!!" pahabol na sigaw ni Shiela.

Ako? Naghanda na ako. Dahil in 3.. 2..


"AAAHHH OMYGOSH ANG GWAPO NI GEOFF OMG OMG ANG HOT NIYA NAKITA MO BA YUN BAKAT NA BAKAT YUNG ABS DUN SA--"


"Shiela." Tinakluban ko ang bibig nya. "I don't want to hear it." Yuck. Ayokong makinig na pinagpapantasyahan nya ang pinsan ko.


And abs? May abs pala yung payatot na yun?


~ * ~


Nagsimula na kaming mag-ikot ikot ni Shiela sa loob ng mall nang may narinig kaming sigaw, "Zhairaaa!!! Shielaaa!!!"

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon