Chapter 27

68K 1K 95
                                    

"Memories warm you up from the inside. But they also tear you apart."

― Haruki Murakami, Kafka on the Shore


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<THIRD PERSON'S P.O.V>


Dalawang tao na kilala nila ang nakatayo ngayon sa harapan nila - Si Rick at si Kyle.


Si Rick na right hand man ni Black Lord, at si Kyle na si Black Lord mismo.


Lahat sila ay natulala sa biglang pagpapakita ng dalawa kaya't hindi nila namalayan na isa sa myembro ng RG, yung may hawak ng bakal, ay papunta kay Zyren.


"Shit! Zyren!" sigaw ni Geoff nang makita niyang walang malay ang kanyang kaibigan na naka-handusay sa sahig na may dugo sa ulo.


Doon natauhan si Zhaira at tiningnan ang katawan ni Zyren.


Hindi siya makagalaw.


Hindi siya makalapit.


Hindi niya alam ang kanyang gagawin.


Zyren..


"So now you know how it feels like to see the one you love in pain." Napatingin ulit si Zhaira kay Kyle nang bigla itong nagsalita.


"What do you mean?" mahinang tanong ni Zhaira na may halong takot ngunit ang tanging pagtawa lamang ang lumabas sa bibig ni Kyle.


Pero kahit tumatawa siya, napansin ni Zhaira na may halo itong lungkot.


"Hindi mo pa rin ba alam Zhaira?!" galit na ang tono ni Kyle kaya't mas lalong natakot si Zhaira. Ngayon lang nya nakitang magalit ang kanyang Kuya Kyle.


"Ang ano ba? Naguguluhan na ako Kuya Kyle! Bakit? Bakit ikaw si Black Lord?!


Umiling si Kyle, "Sagutin mo lang ito; sino ba ang pumatay sa mama mo, Zhaira?"


"Y-yung papa mo." nakayukong sagot ni Zhaira.


Muling tumawa si Kyle - mas malakas, mas nakakatakot. "Ang papa ko ang pumatay sa mama mo?! Fuck this! Sa tingin mo ba, yung papa ko, sino ang pumatay sa kanya?!" humakbang papalapit si Kyle kay Zhaira, "Kilala mo ba kung sino ang pumatay sa tatay ko?"


Tumahimik ang lugar dahil sa kakaibang tono ng boses na inilalabas ni Kyle. Tanging iling lang ang naisagot ni Zhaira.


"Zhaira, you mom killed my father." seryoso niyang sabi. Hindi agad nakasagot si Zhaira habang nakatingin sa hindi maipintang mukha ni Kyle.


Nang nahanap na ni Zhaira ang kanyang boses, ito lang ang kanyang nasabi, "Hindi ko maintindihan."

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon