Chapter 25

68.3K 1K 41
                                    

"Numbing the pain for a while will make it worse when you finally feel it."

― J.K. Rowling, Harry Potter and the Goblet of Fire


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<KENRICK'S P.O.V>


One week had passed. Malapit na ang pasko pero sa tingin ko mukhang magiging mapanganib ang paskong ito.


Kamusta na kaya si Zhaira? Ngayon pa't ang nasabi ko na sa kanya na ang pumatay sa mama nya ay ang dad ni Kyle.


"Fuck, Kenrick! Bakit ba hindi pa nya sinasabi sa akin? Kinakabahan na ako para sa kanya." pag-angal ni Zyren.


Umiling na lang ako. Zhaira, bakit ba ayaw mo pang sabihin sa kanya? Naalala ko ang araw na nalaman na ni Zyren ang totoo.


Pagkatapos naming umalis sa RG, dumiretso agad kami sa hideout at nakita na namin ang gang na may mga pasa at galos pero mabuti na lang at hindi gaanong kalala.


Dumiretso si Zyren kay Pink, "Diba ex-leader nyo si Baby Z?"


Kumunot ang noo ni Pink sa pagtataka, "Oo, bakit?"


"May picture ka ba nya?"


"Ha?"


"Picture ni Baby Z!" biglang natahimik ang lahat sa pagsigaw ni Zyren.


"...Teka" kinuha ni Pink ang wallet nya at may pinakitang picture.


Nanlaki ang mga mata ni Zyren at biglang nanginig ang kamay habang nakatingin sa litrato na hawak nya.


Pagkatapos ng ilang sandali, nagsalita siya ng mahina pero hindi pa rin iyon nakawala sa pandinig ko.


"I need to protect Zhaira."


"Just wait, Zyren. Sasabihin nya rin yon." pag-a-assure ko sa kanya.


"Tsk, kelan pa? Gusto ko nang sabihin nya sa akin para masabi ko na rin na nasa panganib si Baby Z. So that I can protect her!" bumuntong hininga siya, "Who the fuck is that Black Lord anyway?"


Bigla naman akong na-alarma nang narinig ko ang pangalang Black Lord. I need to tell something to Zhaira.


*CRASH*


Nagulat kaming lahat ng biglang nabasag ang bintana namin at may nakita kaming papel na nakabalot sa isang bato.


"Sino kaya yung gagong bumato nito?!!!" sabi ni Jan habang pumunta sa kinalalagyan ng bato at pinulot ito.


"Uy. May sulat." sabi ni Jim na sumunod kay Jan pagkatapos nilang tanggalin ang papel na nakabalot sa bato.

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorWhere stories live. Discover now