Epilogue

87K 1.4K 225
                                    

"Some day you will be old enough to start reading fairy tales again."

― C.S. Lewis


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


"Bebe girl! Nandito na si Shiela!" sigaw ni dad mula sa living room.


"Opo! Bababa na po ako!" sabi ko habang mabilis na sinusuklay ang buhok ko.


"Anakanaman ng tokneneng, oh! Ang tagal mo talaga super!" sabi ni Shiela na basta-basta na naman pumasok sa kwarto ko.


"At ikaw, hindi ka pa rin marunong kumatok!"


"Ang tagal mo naman kasi!"


"Eto na nga oh! Tapos na ko!"


"Dalian mo, naghihintay na sila sa labas."


Tumigil ako sa sinabi ni Shiela, "Sila?!"


"Oo, kasama ko sila para sabay-sabay tayong late. Tara na!" at hinila na ako ni Shiela palabas ng kwarto ko.


"Bye, tito!"


"Bye, daddy!"


Pagkalabas namin ng bahay, nakita ko sila na naghihintay nga sa amin - sila Cyrene, Loreez, Adele, Geoff, Gio, Kenrick, at Rei.


Walang Zyren.


Pinilit kong ngumiti. Last term na namin ito ngayon, I might as well try to be happy, right?


Zyren, kung nasaan ka man ngayon, I hope you're happy.


Dahil sa totoo lang? Wala ni isa sa amin ang nakakaalam kung nasaan siya at kung ano ang nangyari sa kanya.


<Flashback>

"Hija, take a rest. The doctors are giving it their all." sabi sa akin ng mama ni Zyren pero umiling ako. "Kailangan niya ako."

Binigyan niya ako ng isang maliit na ngiti, "Go home, hija. Spend your new year with your father. Zyren will come back, I promise."


**


Pumasok ako sa hospital room ni Zyren pero walang taong nandoon. Walang kahit ano. Malinis ang lugar at naka-ayos ang kama. Para bang walang pasyente na nanggaling doon.


Agad akong tumakbo palabas ng kwarto, "Nurse! Nasaan si Zyren?! Nasaan yung pasyente dito?!"


"A-ano po.. wala na po siya."


<end of flashback>


Si Kuya Kyle? Bumalik na ulit sa ibang bansa. I forgave him. Wala naman talaga syang ginawang masama, eh. And yes, I'll still welcome him if he comes back.

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon