Chapter 10

84.1K 1.3K 192
                                    

"When one door of happiness closes, another opens; but often we look so long at the closed door that we do not see the one which has been opened for us."

― Helen Keller


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


Nakaupo ako ngayon sa pwesto ko tuwing session namin ni Nerd, at nakatitig ako ngayon sa pinto, hinihintay na magbukas ito. Argh, bakit ba ang tagal niya ngayon?


I just want to share him the good news.


Nagbukas na ang pinto at agad akong napatayo. Nang nakita niya ako, tumaas ang kilay niya at kumunot ang noo niya.


Dahan-dahan siyang pumunta sa pwesto niya na halata pa rin ang pagtataka.


"Uhh.. anong meron?" tanong niya.


Kinuha ko ang papel na nasa lamesa at iniabot ito sa kanya. Nagtatakang kinuha niya ito mula sa akin at pagkakita niya, tumingin siya sa akin na may malaking ngiti sa labi niya.


"Zhaira! Congrats!!" Hindi ko na napigilan. Napangiti na rin ako.


Yes. Nakapasa ako sa Chemistry. And yes, achievement ito.


Napunta ang tingin ko sa kanang kamay niya na naka-bandage.


"Anong nangyari sa kamay mo?" nakakunot-noo kong tanong.


Agad naman niya itong itinago sa likod niya at tumawa na para bang ninenerbyos. "Ha? Wala. Ano, nadali lang sa poste."


Tinaasan ko siya ng kilay. Seriously? Sa tingin ba niya mapapaniwala niya ako? But oh well, mukhang ayaw naman niyang sabihin sakin yung reason so why bother.


Bigla kong naalala ang kamay ni Zyren. Namamaga pa rin kaya yun?


~*~


"Bebe girl! Andito na si Shiela!"


Kumunot ang noo ko sa pagtataka nang sumigaw si daddy. One month na ang nakakalipas. One month na din na hindi ko naririnig ang mga salitang iyon. 'Tss. Lagi na kasi akong nauunahan ni Geoff eh.


"Kayo na ba?" agad kong tanong sa kanya nang nakalabas na kami ng bahay.


"Hmm?" tumingin siya sa akin na nagtataka.


I stared at her seriously. "Ni Geoff. Kayo na ba?"


Nanlaki ang mga mata niya at umiwas ng tingin, "Umh.. ano.. kasi.."


Tss. Hindi pa nya nasasabi, alam ko na ang sagot.


"Kelan pa?" tinulungan ko na siya. Mukhang nahihirapan siyang umamin eh.

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon