Chapter 15

74.5K 1.1K 31
                                    

"When someone loves you, the way they say your name is different. You know that your name is safe in their mouth."

― Jess C. Scott, The Intern


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


Nandito kami ngayon sa canteen at mula sa vibe ng mga tao sa table namin, mukhang okay na ang lahat. Mukhang ayos na si Shiela at Geoff. Ayun oh, nagsusubuan pa ng pagkain. Blech.


"Kainggit sila 'no?" tumingin naman ako sa katabi ko at tinaasan siya ng kilay na para bang nagtatanong kung bakit.


"Si Geoff at Shiela na talaga. Si Kenrick at Loreez na. At mukhang nagkakamabutihan na sila Gio at Cyrene."


Tiningnan ko lang siya ng ilan pang segundo, "Naiinip ka na ba?" walang-malay kong tanong.


Gulat naman siyang napatingin sa akin, "Hindi ah! Ang tunay na lalaki, marunong maghintay, ika nga."


I just rolled my eyes at ibinalik na ang focus ko sa pagkain. Pero hindi pa pala siya tapos.


"Lalo pa't ikaw ang babaeng hinihintay."


Itinago ko ang bigla kong pagsamid sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig. Pero habang umiinom , hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.


Pumunta na kami sa next class namin at nag-bigay ng mga guidelines and pointers si Prof. para sa finals week namin.


"And don't worry, after nito, sembreak niyo na."


Tumaas ang mood level ng mga kaklase ko at naghiyawan. Nakahinga naman ako ng maluwag.


Tumingin ako sa katabi ko na nakahalumbaba at naka-simangot.


Nahuli niya akong nakatingin at humarap naman siya sa akin na naka-pout na. Anong problema nito?


"Wala ako dito sa finals." Tiningnan ko lang siya.


"May business trip si mama sa Paris at isasama niya kami." Still no response from me. "Hindi ko nga alam kung makakabalik na ako sa sembreak eh."


Bumuntong-hininga siya, "Bukas na ang alis namin."


At doon nanlaki ang mga mata ko. Biglaan naman yata?


"I'll miss you." mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko.


Wala akong naisagot. Nakatingin lang ako sa kanya at ganun din sya sa akin. Makalipas ng ilang segundo, binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti at ibinalik na ang atensyon sa unahan.


Oo na. Maybe I'll miss him, too.


~*~

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon