Chapter 4

86.6K 1.4K 67
                                    

"Memories warm you up from the inside. But they also tear you apart."

― Haruki Murakami


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<GEOFF'S P.O.V>


Ahhhhhh. Bigla tuloy akong na-guilty. Yung reaction kasi ni pinsan eh, nakakatakot na nakakaawa. Alam ko naman kasing sobra yung impact sa kanya nung nangyari sa kanya at sa nerd na yun eh. Hindi lang naman kasi yun yung reason dun. May mas malaking nawala kasi kay pinsan pagkatapos mangyari 'yon.


"Hey, Geoff, I think I'll get along with your cousin." biglang sabi ng 'tutor' ni Zhai habang inaayos, este, ginugulo ang buhok niya. Napadami yata yun gel.


Tiningnan ko sya na para bang tinubuan sya ng dalawang ulo, "Dude, ayos ka lang? Nakita mo ba yung reaction niya? Halos mapatay ka na nun sa tingin!"


Ngumiti lang sya na para bang amused pa sa nangyayari. "Nah. Maganda yung first impression ko sa kanya. And may naalala ako sa kanya."


Umiling na lang ako. "I just hope she'll get easy on you. Good luck, dude." You'll need it.


~*~


<ZHAI'S P.O.V>


"Anak. You must get out of here. Wag ka nang babalik dito." sabi niya sa akin habang pinipilit nyang tumayo. Kasabay nito, pinipigilan din nya ang pagpatak ng mga luha na.


"Ayoko, mommy! Tutulungan kita. Malakas na ko mommy gaya mo!" pagpupumilit ko sa kanya habang humihikbi.


"No." Hinawakan nya ang magkabilaan kong pisngi at tumingin sa mga mata ko. "Promise me. Hindi ka na babalik dito"


Lalo lang lumakas ang iyak ko, pero hindi ko na napigilang hindi tumango.


Ngumiti sya. At wala akong kaalam-alam na iyon na pala ang huling beses na makikita ko ang ngiting iyon. "I love you, Zhaira. Goodbye, mommy has got some work to do."


*RING RING RING*


Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Hinabol ko ang paghinga ko. Pinunasan ko ang nag-iisang luha na nasa pisngi ko.


Bakit bigla kong napanaginipan 'yon?


*RING RING RING*


Tumingin ako sa cellphone ko. Ugh. Bakit ba may tumatawag sakin ng ganito ka-aga?


Tiningnan ko kung sino ito pero unregistered number ang nakalagay. I hit answer.


"Sino ka?" I am not a morning person.

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon