Chapter 9

84.8K 1.3K 76
                                    

"There is no greater agony than bearing an untold story inside you."

― Maya Angelou


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


"Zhaira!!! Sorry!!!!" Kakapasok ko lang sa room at bumungad na sa akin ang nagmamakaawang mukha ni Shiela.


Bakit siya ganito, you ask? Aba. Hindi lang naman niya ako sinabihan na hindi pala niya ako susunduin sa bahay kaya naman naghintay ako ng pagkatagal-tagal kaya eto, muntikan na akong ma-late. Kasunod ko lang dumating yung teacher namin.


Nag-nod lang ako sa kanya at dumiretso sa pwesto ko. Syempre, tampo effect. Kailangan din yun minsan.


"Zhai~ Sorry na~"


"Huy, anong problema nyong dalawa?" pabulong na tanong samin ni Loreez. Nagsstart na kasi ang klase.


"Si Zhai kasi, di ako pinapansin." Naka-pout na sagot ni Shiela.


"Bakit di mo ko dinaanan?" tanong ko sa kanya. "Eh kasi...." paninimula niya pero agad siyang huminto.


"Wag kang magagalit ha?" kumunot na ang noo ko sa kanya. May nangyari ba? Lumapit sya sa akin at bumulong, "Hinatid kasi ako ni Geoff." Oh? Eh nasaan sila ngayon? Bakit wala sila ngayon ni Kenrick dito? Psh, special treatment na naman.


"Omg, WEH?" agad na tumingin sa amin si Cyrene. Lakas ng pandinig pagdating sa mga ganto ah.


"Ladies at the back!" sigaw naman ni prof.


"Omg... weh???" mahinang ulit ni Cyrene. Ojusko, ang mga kaibigan ko.


Tiningnan ko si Shiela ng seryoso, "Nililigawan ka na ba?" Agad naman siyang namula, "What?! Hindi pa 'no!"


Hindi pa daw. Oh.


"Niyaya ka na ba niyang lumabas?" hindi ko alam kung tama lang talaga ang timing ng mga tanong ko dahil ang sagot niya, "Ano.. Oo. Mamaya pagkatapos ng klase. Sa park." Sabi niya habang iniiwas ang tingin sa mga mata ko.


Nag-nod lang ako sa kanya at humarap na sa unahan. I'm not saying na okay lang sakin ha.


Nagbukas ang pinto at again, naramdaman ko na naman ang pagsisipaglabasan ng mga hormones ng mga babae dito sa room. Psh. Si Geoff at Kenrick yan for sure. Hindi na ako tumingin sa pinto, at sa halip, finocus ko na lang ang atensyon ko sa labas ng bintana. Oh diba, kaya favorite place ko 'to eh.


Nakalipas na ang ilang segundo, tahimik pa din. Alam nyo yung pakiramdam na na sayo ang mga mata ng tao? Kasi, yun yung nararamdaman ko ngayon.


Tumingin ako sa mga kaklase ko at tama nga, nakatingin sila sa akin na hindi ko alam kung anong ekspresyon ang pinapakita nila.

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon