Chapter 14

76.6K 1.1K 94
                                    

"But better to get hurt by the truth than comforted with a lie."

― Khaled Hosseini


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


"I can't believe this!! Si fafa Kenrick pala ang pinakamahina sa atin. And what, nakaka-PITONG ulit pa lang tayo sa roller coaster!!" proud na sabi ni Adele.


Tiningnan naman siya ng masama ni Loreez habang hinahagod ang likod ni Kenrick na putlang-putla na, "You're mean."


Nag-shrug lang si Adele.


"Alright!" biglang pumalakpak si Gio, "Since gabi na at malapit na rin naman tayong umuwi, how about we ride something relaxing for a change?" Ngumiti siya sa sa aming lahat at tinuro ang ferris wheel, "Our last ride for the night."


Nakapila na kami ngayon para sa ferris wheel at decided na kung sinu-sino ang magkakasama. Si Shiela at si Geoff; Si Kenrick at Loreez; Gio at Cyrene; Ako at si Zyren. Pero siyempre, magpapatalo ba si Adelito Timoty? Noooooo. Nakahablot siya ng "Papito" kung kanyang tawagin diyan sa tabi-tabi.


Pumasok na kami sa loob at tahimik lang kaming dalawa ni Zyren hanggang sa makaabot at huminto kami sa pinakatuktok.


Oh. My. God. The view is beautiful!!! Dahil siguro madaming building at usok sa lugar namin kaya hindi ko na makita ang mga bituin, pero hindi ko akalaing ganito sila kadami. Ang gandang tingnan.


Dahil sa kakatitig ko sa labas, hindi ko namalayan na hindi pa pala nagsasalita si Zyren.


Tiningnan ko siya, "Huy bakit-". Napahinto ako nang makita ko siyang nakapikit at naka-clench ang mga kamay.


"Are you scared of heights?"


Binuksan niya ang isa niyang mata at tiningnan ako, "No." nag-crack ang boses niya.


What the hell? "Bakit ka pumayag na sumakay dito kung takot ka pala sa matataas?"


This time, tiningnan na niya ako, "Because I'd do everything to be with you."


Iniwas ko ang aking tingin sa kanya, marahil na rin dahil sa pamumula ng pisngi ko. Damn it.


Yumuko na lang ako at napansin kong naka-clench fist pa rin sya. Pumikit ako at huminga ng malalim. Kaya mo 'to, Zhai. Ginawa niya 'to para sayo. It's the least you could do.


I reached for his hand and enveloped it in mine. Ramdam ko ang paninigas at gulat niya pero pinilit kong hindi siya tingnan. Please, please don't say anything.


Mukhang nakuha naman niya ang sinasabi ng isip ko dahil nag-relax na siya at nanatiling tahimik. Pero syempre, ramdam ko at alam ko na nakangiti siya.


Tahimik lang kami ng ilan pang segundo nang bigla siyang nagsalita, "Let's play 20 questions." Tiningnan ko siya, "I ask you something, you must answer, then give me a question in return."

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon